MATERNITY PROCESS

Hello po sa inyo.. Papatulong lang po sana and kung anong magandang suggestions niyo na rin po.. Bali nag wowork po ako 3mos preggy na po ako, iniisip ko po kasi mukhang hindi na kakayanin ng body ko pag umabot pa ko ng December sa work ko kasi sa byahe ko na rin na malayo.. Makakakuha pa rin po ba ako ng maternity if ever mag resign ako bago mag Dec.. Or mas maigi po bang mag stay ako sa work para yung company namin ang mag process nun? Alin po ba ang mas maiging gawin? Sure po bang makakakuha ako if ever na mag resign ako sa work ng maternity ko? Salamat po sa mga sasagot. GodBless ? Ps. First time ko kasing mag buntis at mag file ng mga ganito

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nasa inyo po kung kakayanin mo parin magstay sa work hanggang sa manganak ka. Makakaavail ka parin naman ng mat ben kahit resign ka na. Pwedeng ipaprocess mo sa hr nyo yung maternity notification habang nasa work ka pa, pwede din after mo magresign. Ako kasi separated din ako nung august at nagfile ako mismo sa sss ng mat notif/ MAT1. Ang pagkakaiba nga lang pag employed ka hanggang sa manganak ka, yung benefits iaadvance na yun ng company meaning ibibigay na ni company yung pera kahit hindi ka pa nanganganak. Kapag naman separated ka or voluntary, after mo pa manganak mapaprocess yung Mat Reimbursement/MAT2. Meron ka parin kelangang kunin sa company mo na documents para maaproved ang MAT2 mo. Kaya medyo maraming proseso kapag separated or voluntary ka na kasya kapag employed ka kasi si company na bahalang magprocess lahat ng maternity mo sa sss.

Magbasa pa

Private company ka ba? Depende po yon sa contribution mo sa sss. Kapag nagresign kana ng di kapa nakakaanak, sa tingin ko wala ka makukuwa. Pero kapag hindi pa at nagstay ka magwork makakakuwa ka. Unless mag sickleave ka, diretso malapit na sa due date mo. Kapag nagresign ka naman pede ka magvoluntary payment sa sss para my makuwa after mo manganak

Magbasa pa