music for unborn baby

Hi po! Paano niyo pinariringgan music si baby habang nasa tyan niyo? Paki-share specific details like ano gamit niyo? paano niyo tinatapat sa tyan? Ano volume? Ilang oras? Gaano kadalas in 1 day? Type of music? Thanks :) Caring is Sharing ?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Phone gamit ko nag dl ako classical music, naka Airplane mode lagi para walang radiation, tapos nakatapat sa puson ko bandang baba ng pusod ko, mga mellow na classical kasi baka ma excite sya pag upbeat baka magkulit masyado takot ako ma cord coil Baby ko, then hindi gaano kalakas mga medium lang na volume kaming dalawa lang nakakarinig. Nabasa ko kasi medyo sensitive na pandinig nya kaya di malakas volume ko.

Magbasa pa

Every night before mag sleep. I'm using my phone yung tipong kami lang nakakarinig. Classical music lagi ang pinaparinig ko kay Baby para kalmado lang, thru Spotify at Youtube. Madalas pag nagssoundtrip na kmi nafefeel ko na nagrereact sya sa music. πŸ˜πŸ€—

5y ago

Same tyo sis nag rereact na si baby sa music na pinplay ko hehe

Ako gumamit headphones. Tapos classical music. Tapos ngayon anak ko, 9 yrs old mahilig sa old songs and matalino. Ewan ko lang kung may effect yung pagkinig ng classical pero malay mo di ba. 😁😁

5y ago

Hello momsh.. may effect talaga ung pakikinig ng classical music. Ganun din sa akin nun sa baby ko. Narerecognize prin niya ung music kahit nkalabas na siya sa tyan nun and matalino din siya.

ako po ngsisearch sa youtube na music for unborn baby then nilalagay earphones sa puson, dun kasi ulo nya. . .

Mahihiga po ng naka side, ilalapag yung phone na may 1 dangkal ang layo sa tyan tapos saka papatugtugan 😊

VIP Member

I use headset ni lalagay ko sa tummy ko . Sya lang nakakarinig samantalang ako natutulog 😁😁

Ako gumagamit earphone nilalagay ko pareho sa bandang puson nagrereact dn se sya nagalaw..

VIP Member

I'm using headphone po tapos mga classical music pinapatugtog ko :)

Mozart mommy. Ako spotify gamit ko, search mo lang baby song.

VIP Member

kadalasan kasi gumagamit ng headphone tapos itapat sa bandang kaliwa

5y ago

Bakit po bandang kaliwa mamsh? Curious po :)