48 Replies

Sa totoo lang, hindi talaga maiwasan na magkocomment sila sa how we raise or discipline our children. Lalo na kung nakikipisan tayo at hindi nakabukod. Bihira yong mga in-laws na nagkukwento lang ng experience nila. Mostly Yong pagkukwento may kasamang mensahe na dapat ganon din gawin natin kasi ganon ang ginagawa or practice nila dati. My stand here is, hindi natin sila mapipigilan. Ang mahalaga, kayo ng asawa or partner mo eh may iisang stand kung paano palakihin o disiplinahin ang mga anak ninyo. In that way, makikita ng in-laws na you are on the same boat. At mareremind sila na ikaw at yong anak nyo ang priority na ng asawa/partner mo.

well, we're in the same problem syempre hindi pwede anak mo yan you have the rights sa anak mo. may mga parents din Kasi na Ganyan pakialamera buti nga sayo mother in law mo lang how about Sakin Mama ko talaga Ang nangigialam sa anak ko maybe dahil nadin sa hindi niya nagustuhan Ang husband ko kaya she acts like dugh gusto niyang akuhin Ang magiging baby ko she already have a plan daw na when I give birth to my child kukunin niya and then Himalayan ko daw husband ko. kaya yun umalis kami Ng husband ko sa Lugar Ng mama ko para malayo sa gulo.

Ok lang kung advise lang kasi tayo parin na parents ang masusunod sa pagpapalaki kay baby. Pero kung sobrang pakikialam na, no way ako jan. My baby, my rules. Ako ang nanay. Kung gusto nyang sya masusunod, di sana nag anak ulit sya 😅😂😂 . Kaya nga kami humiwalay sa kanya para tumayo rin kami sa aming mga paa. Pero gusto sya parin masunod. Pati ipapangalan namin kay baby may problema. Pumili daw ng iba as if sya ang nanay. Hay naku🙄

Pwede mag advise. But hndi pwede na mangialam tlga. Like ex. Sinabi mo na NO sa anak mo. Tapos sadabhin nya sa harap mo and anak mo na. HINDI OK LANG YAN. HAYAAN MO SYA. mga ganun. Nako no no no. Kasi ung anak natin e macoconfuse sino ba tlga may authority. Prang ganun. Yan nakikita ko sa inlaws ko e. Sinsalungat desisyon ng sister in law ko and nung asawa nya. Kaya ung bata e dun sa lola na nakikinig and hndi na tlga nagpapaalam sa parents.

Hello. They should respect your rules on how you'll raise your child. They can suggest, but they should not intervene with your rules. Advise lang, better if pakingan mo din sila not to religiously follow what they tell you, but to give respect as they have gone to that situation already. There's nothing wrong to lend some ears, it's your choice and your call naman that will still reign 🙂

VIP Member

Hello po mommy! Actually hindi po naten yan maiiwasan lalo na po kung magksama kayo sa iisang bubong, may pagkakataon po kasi na naikukumpra ung pagpapalaki naten sa baby naten sa way nang pagpapalaki nila “noon”. Para po hindi kayo umabot sa hindi mgndang pagkakaunawaan much better na kausapin nyo po sila. Pra rn po maintindihan at malaman nila ang saloobin mo.

Unang una, ikaw ang nanay. Lahat tayo may kaniya kaniyang way sa pagpapalaki ng anak. Siguro take mo siya as advice pero make it clear in a nice way kay MIL mo na may sarili kang way on how to handle things with your baby. Kung nasa puder kayo ng biyenan mo, makikialam at makikialam talaga sila. Kaya much better talaga na nakabukod kayo ng sarili mong family.

VIP Member

for me hinde, kung ok o tama naman pag deseplina mo sa anak, e no need na sila dapat makialam kasi, tungkulin mo na yan bilang ina ng kanilang Apo, at hinde kanila, lalo na kung nasa poder mo naman ung anak mo. for me kasi, mas ma spoiled lng ung bata pag makialam pa sila, at bilang ina, syempre masakit sa side mo kasi my nangingialam.

nope. baka kung ano ano ituro sa bata baka magaya ng anak ko ugali niya yung tipong ginawa mo lahat pero masama ka pa din. worst pa ang galing niya magbitaw ng salita pero pag nakatalikod ka puro kasinungalingan ang pinagsasabi kesyo masama daw ugali ko tapos gustong bumalik sayo. kakagigil ganyang klaseng tao.

TapFluencer

Definitely not, lalo na kung ung mga anak nya makikita mong kulang sa disiplina, walk your talk po. Pinakaayaw ko pa is kung ano2 ung binibigay na halaman na kung saan dinampot painom ko daw yung katas sa baby ko, kahit nagagalit sila sa akin I don't care, basta alam ko ano best sa anak ko, ako yung nanay eh..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles