SSS Maternity Benefits
Hello po mga mommy. Tanong ko lang po, mag 7 month's na preggy na po ako nag file ng MAT1 sa SSS. Last work ko po nung december pa. Hindi narin po ako agad nakapag voluntary na hulog. Pag file ko po ng maternity ko sa SSS sinabihan po ako na kahit hindi na ako mag voluntary basta kumpletohin ko lang daw po yung requirements na binigay nya saken pagka panganak ko. Tinanong lang po nya yung company ng dating employer ko. Kailangan po ba na ipaalam ko agad sa dati kong employer na mag ffile po ako ng maternity? Eto po nakalagay sa req ko. - indicate effective date of seperation - indicate whether with/without advance maternity benefit was given. -L501-latest and updated specimen signature duly received by SSS Yan lang po kasi yung hindi ko maintindihan sa requirements na binigay ng SSS. Sana po matulungan nyo po ako, Salamat po.


No need to notify your previous employer mommy sa pagpapafile dahil you are no longer working for them. Nagresign din ako sa work before and Certificate of Non Cash Advancement and Certificate of Separation hiningi ni SSS sakin na kukunin ko from my previous employer. Yung L501 kasi hindi na hiningi sakin nun ni SSS pero case to case basis kung nirequest sayo.
Magbasa pa