SSS Maternity Benefits
Hello po mga mommy. Tanong ko lang po, mag 7 month's na preggy na po ako nag file ng MAT1 sa SSS. Last work ko po nung december pa. Hindi narin po ako agad nakapag voluntary na hulog. Pag file ko po ng maternity ko sa SSS sinabihan po ako na kahit hindi na ako mag voluntary basta kumpletohin ko lang daw po yung requirements na binigay nya saken pagka panganak ko. Tinanong lang po nya yung company ng dating employer ko. Kailangan po ba na ipaalam ko agad sa dati kong employer na mag ffile po ako ng maternity? Eto po nakalagay sa req ko. - indicate effective date of seperation - indicate whether with/without advance maternity benefit was given. -L501-latest and updated specimen signature duly received by SSS Yan lang po kasi yung hindi ko maintindihan sa requirements na binigay ng SSS. Sana po matulungan nyo po ako, Salamat po.
Ganyan din requirements sakin sis. Dpat mag reachout ka sa dati mong employer para sa documents na kailangan mo pag nanganak kna
Hingin niyo po yan sa dati niyo pong employer. Yung sakin saglit lang nakuha ko agad nung pag punta ko.
Ok po, salamat po. 😊
Ganyan dn po sakin. Hningi ko lng po sa dating employer ko.
Thank you po. 😊
Yes po. Ako nga December 2018 nagresign nagfile ako ng Mat1 netong July ayun kinontact ko parin employer ko para dun sa mga requirements na hinihingi ng SSS like L501, Non Cash Advance on Maternity Benefits and COE and binigay naman agad ng dati kong employer
Yes po pwede naman po basta po nakapagpanotify na kayo sa SSS then to follow nalang mga req. yung L501 ko kase hindi ko parin nakukuha eh gawa yung bjnigay saken ng employer ko is walang tatak from sss kaya ayun bibigyan pa ulit ako ng bago ng employer ko
Ano po ung L501? Sana my makapansin sa tanong ko
Sabihin mo lang sa dati mong employer yan, alam na po nila yan.
Hihingiin mo po sa dating company. Sabihan nyo na po agad para iwas problema pag nanganak kana. Ganyan din po sakin feb2019 last employment ko nag resign ako. Then. April nag file nako mat1 tapos sinabi ko na din sa company na kelangan ko mga requirements makuha sa kanila. 😊
Thank you po sa info 😊