Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
The Magic 8 Mommies
✨ Because sharing is caring ✨ Sa lahat po ng mommy na nanganak na o manganganak palang. Join po kayo sa The Magic 8 Mommies na group sa facebook. This group will help you to boost your milk supply. Thank you! #SpreadLove
Close Cervix
38 weeks and 3 days. EDD: September 28,2019 Mga momshie, check-up ko po kanina and sabe po ng doctor sa lying-in sarado pa daw po cervix ko. Tinanong ko po kung ano po magandang gawin para mag open cervix ko. Sabe po kapag hindi pa din nag open may papainom daw sya saken na gamot pang panipis pero hindi pa daw ngayon pag mag 40 weeks na daw sila magbibigay ng ganung gamot. Ano po ba dapat kong gawin para numipis cervix ko? kumakaen naman po ako ng pineapple. Bihira lang din po pala ako makapag lakad kasi naulan pero palage po ako nagkikilos sa bahay kahit nga malaki na po ang tummy ko naglalaba parin ako. Medyo worried lang po, sana po matulungan nyo ako. Excited na po kasi kame ng asawa ko makita baby namen.
Contraction
Sino po dito September ang EDD? nung sept. 3 pahilab hilab na po tsan ko, 36 weeks pa lang po ako nun. Kaka 37 weeeks ko pa lang po ngayon. Sakto din po kasi nung sept. 3 check-up ko po nun, naglakad lang po ako papuntang clinic tapos po dalawang beses ako napahinto dahil parang sumisiksik na po sya sa pwerta ko. Mejo masakit, tapos pag uwi ko po ng bahay naglaba pa ako ng mga damit ko konti lang naman.. pagtapos nahiga na po ako, nagpahinga. Maya-maya po bigla nalang nag hilab tsan ko, diko maintindihan yung nararamdaman ko. Nag cocontract na po ba ako nun?
34 weeks pregnant
Sino po SEPTEMBER ang due date! ?? nakaka excite na makita si baby. ??❤
SSS Maternity Benefits
Hello po mga mommy. Tanong ko lang po, mag 7 month's na preggy na po ako nag file ng MAT1 sa SSS. Last work ko po nung december pa. Hindi narin po ako agad nakapag voluntary na hulog. Pag file ko po ng maternity ko sa SSS sinabihan po ako na kahit hindi na ako mag voluntary basta kumpletohin ko lang daw po yung requirements na binigay nya saken pagka panganak ko. Tinanong lang po nya yung company ng dating employer ko. Kailangan po ba na ipaalam ko agad sa dati kong employer na mag ffile po ako ng maternity? Eto po nakalagay sa req ko. - indicate effective date of seperation - indicate whether with/without advance maternity benefit was given. -L501-latest and updated specimen signature duly received by SSS Yan lang po kasi yung hindi ko maintindihan sa requirements na binigay ng SSS. Sana po matulungan nyo po ako, Salamat po.
Ultrasound
Magkano po ba ang 4D ultrasound?
Worried
Hi mga mommy, baka may naka experience na po sa inyo ng ganito? 6 months preggy po ako. Sa sabado na po ang check-up ko pero hindi kasi ako mapakali, para po syang pasa na may bukol. Kumikirot sya pero hindi naman sobrang sakit.
Philhealth
Sana po masagot katanongan ko. Last year po nag wwork ako nag stop po ako kasi nabuntis na po ako nung January, so december po last na hulog ng employer ko sa Philhealth. Kaya po simula January hanggang ngayon po na June wala na po'ng syang hulog. Makakakuha parin po ba kaya ako ng form para sa maternity? Thank you po sa sasagot.
Asking
Good day po mga mommy. Ask ko lang kung pwede po uminom ng milo ang buntis? kasi po napansin ko kapag umiinom ako ng milo, maya maya ang likot likot na po ni baby.
Movement
Good day mga mommy. Tanong ko lang po kung normal lang po ba na minsan magalaw si baby minsan hindi. Mag 23 weeks na po sya tomorrow. Kung ano-ano po kasi naiisip ko. TIA po sa sasagot. ?