Teen Mom

Hello po. ☺️ Would like to share my story and ask for some advices. I hope no one will judge me po, hindi po kasi yun yung kailangan ko ngayon. I'm 18, got a boyfriend when I was 16. We're almost 2 years. I know it's too early but I don't regret having him. I have a family who only supports physically and financially (even though mahirap lng kami, nabibigay naman yung mga kinakailangan kapag pera na), hindi po emotionally. Instead na they're giving me motivations, they're doing the opposite without knowing it. Akala nila tinatanggap ko yun lahat as a challenge pero mas lalo akong nadadown. Mabuti yung pagpalaki sakin ng mama ko, nagkamali lng po talaga ako sa mga desisyon ko. Nung High School pa ako, nandun lahat yung stress and pressure kasi unti-unti na tayong namumulat sa totoong laban ng buhay. Ito yung times na kailangan ko ng emotional support because I don't know how to face the world, yung mga paghihirap sa school (big deal pa yung struggle sa school kasi grade conscious pa and wants to have a better life), and yung peer pressures. Wala akong masabihan sa family ko. I suffered from severe depression and always attempted suicide pero maybe it's still not my time. And that's how I met my boyfriend. He had the same situation, kaya nag click kami. Naiintindihan namin yung nararamdaman ng isa't isa. Hanggang sa naging sandalan ko sya and vice versa. Pareho naming naging inspiration and isa't isa and makikita talaga yung improvement namin sa studies. Somehow gumaan yung depression ko, and naiiwas ko na ang self-harming. Sabay grumaduate sa High School, sabay nagpunta ng City and sabay nagCollege (Both our parents were living in the province kaya sarili lang namin maasahan dito sa city). But life in city really had a big difference than life in the province. We were involved in pre-marital sex. And pareho naming ginusto yun, kahit na alam naming mali. Yes, alam namin yung mali sa tama, but we're still growing up, and hindi pa namin alam lahat ng bagay-bagay. Until such time na hindi ako dinatnan for 4 months (binalewala ko lang po kase I have irregular periods) and nagsusuka na ako minsan. This January, I used a pregnancy test and sabay namin tiningnan, it was positive. Tumatalon yung boyfriend ko sa tuwa because we're going to have a baby kahit na maaga pa, it's still a blessing. Hindi ko pinakita sakanya agad-agad yung reactions ko kase I don't want to interrupt his happiness. I'm also happy but I'm still in a state of shock. Hindi ko alam gagawin ko and the first thing na pumasok sa isip ko ay hindi ko ipapaalam sa family ko. Alam kong hindi nila matatanggap and alam kong itatakwil nila ako. As of now, we're planning to look for a place na kung saan pwede naming buhayin si baby on our own (he has still not yet decided kung ipapaalam nya sa parents nya because of disappointments). I've stopped going to school and hindi ko pa pinaalam sa parents ko, I'm going to start a job para may pangtustos and yung partner ko rin (pagsasabayin nya yung studies and work). He's willing to support me. Kapag nakapagipon na ako, hindi na ako magpaparamdam sa family ko kasi nahihiya ako sa naging situation ko and ayaw ko nang dumagdag pa sa problema nila. Hindi rin naman nila ako maiintindihan. I'm having some research about sa pregnancy, and hindi pa ako nakapagcheck-up kaya hindi ko pa alam ilang buwan na akong buntis pero visible na yung baby bump ko so I think my baby is 4 months na. I know most of you think na mali yung nagawa ko at gagawin ko. Pero sa tingin ko ito yung mas makakabuti sa amin. For me, now is the time to distance myself from my family kasi from my experiences, sila yung toxic (sorry) sa life ko. To those parents who understands me, can you give me some advice and comfort? ?

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

When I was a teenager, I thought having a child out of wedlock was the worst thing that can happen and that itatakwil ako ng magulang ko pag nangyari yun. So talagang nag-ingat ako kahit na I was having premarital sex. Ngayon na parent na ako, of course, my husband and I would be disappointed kapag nabuntis or nakabuntis nang maaga ang mga anak namin. Pero alam mo, pagkatapos ng galit, hindi ko rin naman sila pababayaan. I think kahit sa tingin mo hindi ka naiintindihan ngayon ng pamilya mo, hindi ka din nila pababayaan. Sorry to break it to you, pero mahal magkaroon ng baby. Ang bawat check-up na gagawin niyo, which is every month nasa P800 minimum. Kapag na-CS ka, mura na ang 20k. Bakuna pa ng anak mo, diapers, at kung hindi ka magbreastfeed nasa P1k PER WEEK ang gatas na iinumin niya. Sa tingin niyo ba ng boyfriend mo, kaya niyo lahat pasanin ang gastos na yun nang walang tulong? Hindi pa kasama diyan ang titirahan niyo, kakainin niyo. Isipin niyo rin kung anong klaseng trabaho ang makukuha niyo lalo't hindi naman kayo graduate parehas. Siguro swerte na kayo kapag nakakuha kayo ng work na magpapasweldo sa inyo ng 15k. Also, pagdating ng baby, hindi ka na pwede magwork unless kumuha ka ng yaya, P5k din yun na sweldo. Sa praktikal lang, I don't think you can do it on your own na mabibigay niyo ang nararapat para sa baby ninyo. Tsaka sa tingin mo, saan mas magagalit magulang ninyo, kapag sinabi niyo ngayon o kapag malaki na ang bata? Kailangan mo na magpatingin sa OB kasi hindi ka naka-inom ng mga prenatal vitamins. Hindi mo rin alam kung ok ang development ni baby. You need to go ASAP.

Magbasa pa
5y ago

agree with this. Set aside the Pride. Kayo naman nagkasala, and wag na magsisihan pa etc. Family is family, may right sila malaman yan. They will understand you. Hindi madali sympre, but time will come magiging maayos lahat. Baka ginawa way ni God ang baby nyo to reach out sa mga parents nyo and family.

VIP Member

I've been in the situation sis. pero khit sobrang takot ko nun sinabi ko padin sa parents ko Kasi mas ok Ang Alam nla d baleng magalit sila sa maikling panahon lng..Alam ko d madali sa part not sabihin sknla madami kasing tumatakbo sa utak ntin. like a dati naisip ko pag to sasabihin ko masisira na tlg future no Kasi itatakwil na nla ako.. ako Kasi Ang bunso out of 8 sa family and sa aming babae ako Ang unang nagkaanak. I was 19 nung mga panakon na Yun and 5months bago ko nsabi sa parents ko lahat NSA province dn sila nun sa call ko lng sinabi den knabukasan dumating na sila dto. sobrang kaba ko nun.. pero hinarap ko Ang consequences Ng nagawa ko. hi do ko pinagsisiaihan lahat Ng trials and early motherhood na dumating skin. it's big blessing tlg. Ang baby ko now is 7 y.o na turning 8 na.. naiiyak pdn ako sa mga trials na pinagdaanan namin Ng hubby ko at nalagpasan namin.. nag stop pa kame nun sa pagaaral 3yrs dn kame nag stop and pinush ult nmin mag aral para sa future and now thanks God we're both professional license nurse's and police at the same time Ang hubby ko. Kaya sis wag panghinaan Ng loob. Kung pwede lng kta damayan ngyon ginawa ko na. Kasi I can remember na ganyan na ganyan dn ako😘😘

Magbasa pa

you're still lucky na nanjan padin parents mo. I was also 18 when I got pregnant. Pero that time patay na mama ko so hindi na nya nakilala apo nya sakin. Kahit yun nalang isipin mo. Karapatan nila makilala magiging supling mo isipin mo nalang na magiging masaya sila sa apo nila. You are letting your pride drive over you. Family mo sila, kahit down ka sa mga salita nila, iba padin intention nila at yun ay magkaron ka ng magandang buhay kaya nila nasasabi yun. Malalaman mo din yan kapag ikaw na ang magulang and you want the best for your child. Consider your parents as your kakampi at hindi kalaban. Balang araw, sila din ang sasalo sayo kapag hindi mo na kaya ang bigat ng mundo lalo na ang mundo ng pagiging ina. People will judge you but you shouldn't let them step on you. Your child will be your trophy sa lahat ng pag hihirap mo kaya wag ka magpadala sa mga salita ng mga tao. I am 25 now and having my 2nd child, masasabi ko na kung hindi nabuhay yung panganay ko, walang stress reliever ang papa ko ngayon at hindi masaya mga lolo at lola ko sa anak ko kasi napaka bibo ng anak ko at napapawi nya lahat ng pagod namin. Bottomline: Wag kalimutan lumingon sa pinang galingan. Godbless 😊

Magbasa pa

I have fought the same battles as you. I also didn't have the kind of support I needed from my family, isali mo pa mga kapatid ko. But sis, kahit ganyan ang family ko at rough yung journey sa pag amin ko at pang tanggap nila, na eexcite sila. You can still patch things up because babies are blessings. Baka yan yung way para mag heal at maclose ang gap niyong magfamily. I'm happy that your boyfriend feels ecstatic to have a baby with you. Kasi meaning niyan mahal ka niya talaga at sure siya sayo. Kasi samin gusto ng partner ko ipalaglag as early as possible, pero nung 13wks ako nagpacheck up kami. Nagpaultrasound ako tapos pagkita niya sa baby niya, nagchange yung perspective niya. Gusto na niya maging daddy. Advice ko lang sa'yo: Walang madudulot na mabuti ang paglalayas at ang pagtaboy ng sariling pamilya. Dahil pamilya mo sila at pamilya ka nila at ang magulang hindi matitiis ang anak. Nahihiya din naman ako, normal naman yun. Pero ang dami ng cases na ganyan sa mundo, nagkasala man tayo pero nagluwal naman tayo ng anghel kaya no shame parin. You pray and ask God for courage at ibibigay niya sayo. :)

Magbasa pa
5y ago

I would also like to add that it's hard to work while pregnant. You should be careful. I don't think you can be financially independent by juggling work and education kasi mahal talaga pagbubuntis, mommy. That's why you need to tell your parents ASAP. 4ms ka na, 4ms din ako umamin. Wag niyo patagalin kasi the more na patatagalin niyo, the more na magsusuffer ang baby. Also, pa ultrasound ka na po. Para malaman mo kalagayan ng baby mo.

Ipaalam mo parin sa Pamilya mo kasi mahirap mabuhay nang what ifs, kung di man nila matanggap at least nasabi mo, magiging ina kana at magulang narin siempre, isipin mo at some point na kung ikaw ang humantong sa puntong ganyan masasaktan ka rin bilang magulang dba. Matanggap man nila or hindi ang importante nasabi mo pamilya mo parin sila, malay mo naman pala mali ang akala mo mahirap magisa sa ganyang kalagayan kahit kasama mo pa Partner mo mas maigi parin na may gabay ang Pamilya mo. Subukan mo lang, kung di nila matanggap at itakwil ka nila ang pinaka mahalaga talaga napaalam mo I know its not that easy on your part pero gaya nga ng sabi ko Pamilya mo parin sila. Kung naging negative man sila lalo edi hayaan mo nalang, at least nasabi mo, wala ka parin pagsisisihan sa huli kasi sinubukan mo lahat. Good luck. ❤️

Magbasa pa

walang ibang tatanggap at iintindi sayo kundi family mo .. no matter what you do or who u are. sa lahat ng laban sa life.. Una ang Diyos, pamilya lang ang magiging sandigan mo.Walang magulang na gugustuhing d maayos ang anak nila. d mo man mdama emotionally accdg. sa kwento mo pero somehow they still and will care for u no matter what. Forget about how will they react or how disappointed they will be if nlman nila yan..sa umpisa lang un. the best thing u can do is accept kung ano marring sa knla, wala naman na sila maggawa andyan na yan. believe me iha mahrp mag dalang tao ng wlng pamilya sa tabi mo.. lalo na ung gabay ng 1 ina.. mdami kang pgddaanan na mssbi mo na lang sna anjan nanay mo sa tabi mo. Walang msma subukang lumapit at ipaalam sa knla kung ano lagay mo. GOD BLESS po..

Magbasa pa

sa 1st baby ko, nabuntis din ako ng bf ko non. d ko alam ang gagawin at natatakot ako malaman ng family ko.naiisip ko magagalit sila at magiging isang malaking disappoinment sknla to. pero alam mo nangyari saken? pinanindigan ng bf ko.takot ako.pero hinarap namin magkasama ang parents ko.nagalit sila.oo. pero alam mo sis, sa una lang yun.nung nakita na nila apo nila, naku po sobrang pagmmhal nila. bakit kame nagdecide lumapit pa din sknla? kasi magulang ko pa din sila.hndi man naging maganda yung mga nangyari samin, i still respect them. thankful din ko sa bf ko non kasi d nya ko iniwan at pinandigan nya ko.now we're 9 yrs married and next month will hav our 2nd child. pray lang sis. and everything will be ok. pacheck kn para kay baby. Godbless you, your bf and ur baby.

Magbasa pa

you're lucky kase college kana I'm also a teen mom turning 19 and senior high palang mag 4 mos pregnant naako nun hesitated din ako sabihin sa parents ko at sinabe ko lang doon sa tita ko but you know why ang intention ko noon kaya sinabe ko para tulungan nya ako mag palaglag lase natatakot talaga ako and then kinabukasan sinabe nya saaken na sinabe na nya sa mama ko at kinausal ako nagalit malamang kase senior high palang ako and hangang umabot na sa mga ate ko at 31 weeks pregnant na ako lahat ng supporta binigay saken ng magulang ko tak3 note ako pa bunso at unang mag kaka baby kaya sis ifeel you ganyan din ako noon pero try mong sabihin sakanila dahil mababawasan lahat ng worries mo at lalo kang gaganahan pag nakarinig ka ng support galing sa pamilya mo :)

Magbasa pa

Ano ka ba teh ako nga graduating now.... Last sem nalaman ko na buntis ako nag enroll parin ako kasi last sem naman na... Ngayin 7 months na tyan ko hindi ko padin nasasabi sa mommy ko kasi ayoko siya mag alala pero plano ko sabihin after matapos tong sem na to which is 3 weeks from now para hindi na mag isip mommy ko na baka mapabayaan ko pag aaral ko... Never ko naging option ang hindi sabihin sa mommy ko kasi alam mo, mas masarap bumuo ng pamilya pag nagagabayan tayo ng sarili nating magulang.. Tsaka im a hundred percent sure magagalit si mommy ko pero hundred percent sure din ako na tatanggapin niya magiging apo niya at mahahalin ng sobra sobra.. Sana pag isipan mo mabuti.. Mahirap magtrabaho lalo na buntis ka

Magbasa pa

Check grace to be born foundation sis. they help pregnant women out of wedlock. I understand your situation pero alam mo kahit anu man ung hinaharap mo ngayon, matatanggap at mamahalin ka pdin nila. been there, done that! pero family is family. disappointments are temporary. been preggy nung college ng hindi pinanagutan. i didn't stopped studying. tinago ko for 8months dahil sa fear n bka paghintuin ako sa pag-aaral. pinaalam ko lng nung manganganak nko and sakto tapos na school year. then after a month, back to school nko and mom ko ang nagbabantay sa baby ko. di niya ko kinkibo for almost 2months pero hindi niya ko pinabayaan. they supported me all the way.

Magbasa pa