Stress And Depression

Hello, I'm 21 and 3 months pregnant. This is my first baby. I know the first trimester is very critical for the development of my baby but I've been really stressed and depressed since the very beginning of my pregnancy. It's because I feel like a failure for being pregnant this early. My family was really disappointed with me but eventually accepted the baby and supports me since I still don't have a job but I already graduated last April this year. Sometimes, I can't help to be depressed because my pregnancy was very sudden and I feel like I won't be successful because of what happened to me ? I also don't want to feel this way since it will affect my baby. I need some advices mommies. Thank you.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, ako 21 years old din and a ftm. I'm currently in the 30th week of my pregnancy and unemployed kasi ng resign ako due to health reasons. Bigla akong pumayat na para bang buto't balat nalang ako kaya ngresign ako not knowing na 2 months pregnant na pala ako nun and ECQ yung tikme na yun so sobrang hirap kasi saty on site ako tapos yung kain ki lang dun is canned goods and noodles lang every day every meal. Nung nalaman ko na buntis ako that was in my 12th week of pregnancy naiyak ako kasi although answered prayer ko to pero nadisappoint ko magulang ko and dun sa mga tao na sumusupporta sakin kasi ng broken family din ako, papa ko may kabit at anak sa iba so kami nalang ng mama at kuya ko and that time nag call center din ako, ako bimuhay sakanila. Sobrang depressing and draining kasi wala akong malapitan, dapt lahat iniintindi ko kasi nga 20 palng ako nung nabuntis :( pero ngayon pinanindigan ko na ang pagbubuntis ko at kinakaya ko lahat ngayon kahit palgi kami hindi nagkakaintindihan ng partner ko. Minsan gusto ko nalang mawala pero pano na baby ko? pinagpipray ko nalang na sana lakasan ng diyos ang luob ko, protekatahan nya kami ng baby ko kasi di ko kakayanin pag may mangyari sa baby ko lalo na't malapit na rin akong manganak ilang buwan nalang. Sana mag pray ka din, lakasan mo loob mo sis, hindi ka nag iisa kaya mo yan kaya natin to 😊😗

Magbasa pa

sis im 20 years old and I'm currently 24 weeks pregnant and aside from that may hinaharap akong case which is hindi naman ako may kasalanan naging comaker kasi ako sa pautang at ung mga nangutang nagsitakbuhan na kaya ako ngayon ang hinahabol ng nagpautang I haven't finished my studies too kasi nadala ako sa mga tukso pero Im already starting to change my ways because if i continue to do so walang mangyayari .. i was a call center agent before ako nabuntis but due to pandemic nawalan kami ng work and im currently unemployed .. broken family din ako my mom is a drug addict and ung dad ko naman may sarili ng pamilya gusto ko na mag give up pero etong baby ko ngayon ang dahilan why I strive hard because kailangan nya ako kaya pinipilit kong bumangon kahit sobrang hirap ng tatahakin ko... these previous experiences of mine thought me a lesson and i know this lessons na natutunan ko ngayon will serve as my testimony at the end I know God is not yet done writing my story but with God's grace I know I can.. so im sure u will too... Let your pregnancy be your source of strength not a hindrance towards success..

Magbasa pa

been there mommy .. I'm 27 now and inaasahan sa family, naging single mom .. gusto ipa abort ng partner ko ang baby namin pero ayaw ko, I decided to keep our baby simula nung nagpa transvaginal ultrasound narinig ko heartbeat nya at 8weeks and 3days. Dumaan ako sa depression maya't maya iyak .. dumating sa point lumayas sa bahay kase di tanggap ng mga kapatid ko nangyari sakin. ako yung nagpoprovide sa bahay pero nung nabuntis ako nagbago lahat kase Wala ako work pero nag susuport naman Ang papa ni baby kahit hiwalay kami .. I know mali ko din talaga pero nasa stage pa rin ako na on process yung adjustment at malalagpasan mo din yan mommy laban lang para kay baby .. I'm happy and blessed taking care of my 5mos and 19days old baby .. my forever love 💕

Magbasa pa
VIP Member

Fight Lang Girl I'm 20 years old, My Partner Died When I was 2 months pregnant, Currently I'm in my 8th month, It's really hard to be in this kind of Situation. Wala Yung partner ko Para alagaan ako, Nandito ako sa parents Ko At Yung Papa Ko eh sinusumbatan ako, Ansakit lang kase kung hindi naman Nawala yung partner ko Di Naman ako aasa sa kanila eh, at kung Di rin naman ako buntis mag tatrabaho naman ako eh, Ang Hirap Kase sinusumbatan nila Saken na tinanggap nila ako which is Diko naman Kasalanan na Nawala yung partner ko eh, kung alam Ko Lang Edi sana Sumama nalang ako, para walang Hirap, But still I keep on Fighting for My Baby. Kaya ate Kaya Mo Yan Fight Lang

Magbasa pa
3y ago

sending virtual hugs for you momsh..laban lng! 🥰

VIP Member

Hi i'm a first time mom also but at the age of 23 at wala pa ako sa peak ng career ko nung nasa ibang bansa pako. Suddenly nabuntis din ako at need kong umuwi agad. I feel depressed dahil sa disappointment na naibigay ko sa lahat ng umaasa sakin. At first depressed and i struggled a lot but as days goes by lumalaki tyan ko at papalapit ng due date ko nagpakatatag ako for my baby. Sobrang hirap lalo na't single mom ako and no work na. I know God has a a better plan for me in the future. Kaya stay positive lang, and our baby is a blessing. At yang unexpected baby is a blessing in disguise, soon malalaman din natin why it is a blessing in disguise. For now be strong!

Magbasa pa

Same, isa rin akong first timer na buntis.24 years old and I am 5 weeks pregnant. nakaranas din ako ng depression and stress. tas ganito pa wala yung partner ko, kailangan nyang umalis for our Baby's future. I'm so stress kasi sa kanya ko lang hinuhugot yung lakas ko lalo na ngayon at sobrang emotional ko. Parang lagi akong worried sa kalagayan ni baby sa tiyan ko. Lagi kong iniisip kaya lagi akong worried. umabot narin na halos di ako makatulog sa gabi kasi iniisip ko talaga tong first baby ko. siguro mapapanatag lang ako kung maaasure ko na na okay sya sa check up ko on monday. What's the best way ba to relieve myself from being stressed.?

Magbasa pa

Buti ka nga po nakapag tapos na. Ako nga po 21 and graduating. I'm on my 36 weeks na. Nahirapan din ako sabihin sa kanila nung una. Na depress din ako kasi grabe yung expectation sa akin pero kinaya ko para sa baby ko. Di naman yan ibibigay kung hindi para sayo. Oo marami kang maririnig na masasakit na salita. Judgements from other people. Nakakawala ng confidence mga tingin nila pero kelangan natin kayanin. Ginawa natin to eh. Tsaka wala naman silang pake kasi wala naman silang pinakain sa atin at hindi naman sila magpapakain sa baby natin. Stay strong. Always pray lang and always think about your baby bago ka gumawa ng mga bagay. 😊

Magbasa pa
5y ago

Correct sis, minsan naka baba talaga ng self esteem but we are strong kasi pinili parin natin na ibuhay si baby unlike others na inaabort nila 😔 thanks sis sa advice 😊

Fell u momshei, we have the same situation when I am pregnant with my first baby, magpapractice teaching na sana ako nong nalaman Kong buntis ako. And that is the last requirements for me para makagraguate, but I failed, my parents are very disappointed in me, I am also disappointed in myself so stressed and depression in all the month of my pregnancy but I didn't lose hope, my baby is now my first priority, I accepted my pregnancy wholeheartedly, I read books about pregnancy, I exercise, I went to ob regularly, do their advice and most of all the pray daily, asking God for forgiveness and proctection for my unborn baby,

Magbasa pa

Same case here. Kakagraduate ko lang din ng April then balak ko kumuha ng board exam. Nagrereview while nag wowork but unfortunately nabuntis ako and ang daming sumbat at disappointment ang nangyari pero ginawa ko nagpakatatag ako at ayokong makunan kaya nasa partner ko ako ngayon para iwas stress. Kawawa naman kase yung baby. Pero ngayon tanggap na nila ko at ang baby ko dami na ngang gamit si baby eh. Hehe! I do believe that time pass by matatanggap at matatanggap nila yung situation mo at maaachieve pa na tin ang gusto nating marating sa buhay. Kaya fight lang. 🤗❤

Magbasa pa

Hi po. I was pregnant when I was graduating and I didn't think na sagabal siya sa success ko. Mas nagkaroon ako ng goals in life because of my baby. I graduated, took the board exam and became a civil engineer. Ni minsan po, hindi po siya naging sagabal. And katulad mo rin, tanggap naman ng family so there's no reason to be stressed. Pumasok naman tayo sa ganyang bagay so dapat alam natin yung 50/50 chance. Kaya mo yan Momsh. Normal lang ma-stress pero di dapat tayo padadaig. Tayo ang hawak ng happiness natin. Be happy para healthy si baby.

Magbasa pa