Teen Mom

Hello po. ☺️ Would like to share my story and ask for some advices. I hope no one will judge me po, hindi po kasi yun yung kailangan ko ngayon. I'm 18, got a boyfriend when I was 16. We're almost 2 years. I know it's too early but I don't regret having him. I have a family who only supports physically and financially (even though mahirap lng kami, nabibigay naman yung mga kinakailangan kapag pera na), hindi po emotionally. Instead na they're giving me motivations, they're doing the opposite without knowing it. Akala nila tinatanggap ko yun lahat as a challenge pero mas lalo akong nadadown. Mabuti yung pagpalaki sakin ng mama ko, nagkamali lng po talaga ako sa mga desisyon ko. Nung High School pa ako, nandun lahat yung stress and pressure kasi unti-unti na tayong namumulat sa totoong laban ng buhay. Ito yung times na kailangan ko ng emotional support because I don't know how to face the world, yung mga paghihirap sa school (big deal pa yung struggle sa school kasi grade conscious pa and wants to have a better life), and yung peer pressures. Wala akong masabihan sa family ko. I suffered from severe depression and always attempted suicide pero maybe it's still not my time. And that's how I met my boyfriend. He had the same situation, kaya nag click kami. Naiintindihan namin yung nararamdaman ng isa't isa. Hanggang sa naging sandalan ko sya and vice versa. Pareho naming naging inspiration and isa't isa and makikita talaga yung improvement namin sa studies. Somehow gumaan yung depression ko, and naiiwas ko na ang self-harming. Sabay grumaduate sa High School, sabay nagpunta ng City and sabay nagCollege (Both our parents were living in the province kaya sarili lang namin maasahan dito sa city). But life in city really had a big difference than life in the province. We were involved in pre-marital sex. And pareho naming ginusto yun, kahit na alam naming mali. Yes, alam namin yung mali sa tama, but we're still growing up, and hindi pa namin alam lahat ng bagay-bagay. Until such time na hindi ako dinatnan for 4 months (binalewala ko lang po kase I have irregular periods) and nagsusuka na ako minsan. This January, I used a pregnancy test and sabay namin tiningnan, it was positive. Tumatalon yung boyfriend ko sa tuwa because we're going to have a baby kahit na maaga pa, it's still a blessing. Hindi ko pinakita sakanya agad-agad yung reactions ko kase I don't want to interrupt his happiness. I'm also happy but I'm still in a state of shock. Hindi ko alam gagawin ko and the first thing na pumasok sa isip ko ay hindi ko ipapaalam sa family ko. Alam kong hindi nila matatanggap and alam kong itatakwil nila ako. As of now, we're planning to look for a place na kung saan pwede naming buhayin si baby on our own (he has still not yet decided kung ipapaalam nya sa parents nya because of disappointments). I've stopped going to school and hindi ko pa pinaalam sa parents ko, I'm going to start a job para may pangtustos and yung partner ko rin (pagsasabayin nya yung studies and work). He's willing to support me. Kapag nakapagipon na ako, hindi na ako magpaparamdam sa family ko kasi nahihiya ako sa naging situation ko and ayaw ko nang dumagdag pa sa problema nila. Hindi rin naman nila ako maiintindihan. I'm having some research about sa pregnancy, and hindi pa ako nakapagcheck-up kaya hindi ko pa alam ilang buwan na akong buntis pero visible na yung baby bump ko so I think my baby is 4 months na. I know most of you think na mali yung nagawa ko at gagawin ko. Pero sa tingin ko ito yung mas makakabuti sa amin. For me, now is the time to distance myself from my family kasi from my experiences, sila yung toxic (sorry) sa life ko. To those parents who understands me, can you give me some advice and comfort? ?

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Just pray. Sabihin mo na din sa parents mo, at the end of everything sila ang makakatulong sa inyo. Yes, of course masasaktan sila. literal na luluha sila pero ayan na yan. I feel you, before nung bata pa ko napakataas ng expectation ng parents ko , sa side ng papa ko feeling nila wala akong mararating sa buhay , hindi ako makaka graduate pero napatunayan ko sa kanila na makakapagtapos ako. i had my work then now I got pregnant sila lang nalapitan ko. Everything will be fine. wag mo pabayaan sarili mo. maswerte ka at may partner ka. coz ako, family ko lang ang meron ako. so cheer up dear. ❤🙏🏻

Magbasa pa

Tama ka sis it's a blessing, it's a wonderful blessing from above kaso napaaga lang, pero for me kausapin niyo family mo kasi hindi natin malalaman ang isang bagay kung hindi natin sususbukan malay natin matanggap pala nila iba parin ang supporta at pagmamahal na galing sa family napalaking bagay nun, Kung hindi naman nila matanggap edi yung plan niyo na yan na magtrabaho kayong dalawa edi iyan na gawin niyo. Importante sinubukan niyo and always remember hindi tayo papabayaan ni Lord mali man nagawa natin pag pray niyo lagi sis and nothing is impossible to our God, He will help you. 🙏😊❤

Magbasa pa

Alam Mo bhe you need to tell your parents about your condition walang magulang n maghahangad n masma tothere children s umpisa yes magagalit Yan but still magulang pa din sila. .at try to go s clinik pacheck up pa mahirap walang medical records check up ikaw at si baby..para malaman Mo Kung how's your child in your tummy at mabgay ung mga medicine at vitamins ninyong dalawa...at eat health food payong ate n din ha..drink milk Lang ok...wag papa stress keep happy motivation Lang...Kain m ung gusto Mo Kasi gusto Yun Ni baby ok ..

Magbasa pa
VIP Member

whaat a story! I think, need ninyo din pong sabihn sa magulang nyo even na ganyn ung experience nyo gnyn ung situations nyo. family sila. sa huli sila at sila parin po yung ppnthn natn. anws, in my part nmn po yan. desisyon nyo pa rin namn po. Godbless and goodluck sanyong tatahakin. pacheck ka na din po sa malapt na center sanyo libre naman ang check up at gamot/vitamins na binbigay nila malking tulong na din sayo at sa baby. ❤💓💓 then again, Godbless. 💓

Magbasa pa
VIP Member

much better po na sabihin nyo po s magulang nyong preho ang sitwasyon nyo. walang magulang ang naghanagad ng nasama s knilang anak. ang magulang ndi natitiis abg knilang nga anak. tsaka pag nasabi nyo yan maaaring makagawa kau ng tamanghakbang at desisyon. paktatandaan mo nding ndi ka itatakwil ng magulang mo. maaring magalit sila s simula pero magiging ok dn ang lahat. regarding naman s baby nyo magpa check up po kau regularly.. pra po s inyo yan ni baby

Magbasa pa

I want to hug you right now sis! i feel your struggle ganyan din ako ngayon di pa alam ng parents ko na 13weeks pregnant ako. pero okay lang handa naman ako umamin anytime kung di nila matanggap okay lang alam ko namang pag makita nila ang una nilang apo magiging masaya din sila para sakin. sa province din ako pero ngayon dito ako sa city kung malapit kalang sana pwede kitang samahan para mag pa check up.

Magbasa pa
6y ago

Awww. Thank you po! ❤️

Maiintindihan at matatanggap ka ng Parents mo, Sa una lang yang mga galit nila 😊. tsaka dpat ipaalam mo na agad sa parents mo hangga't maaga pa. kaya mo yan sis. Ganyan din ako natatakot ako na ipaalam sakanila kase madaming what if's na pumapasok sa isip ko. Pero nung nalaman nila syempre nagalit sila pero unti unti nilang natatanggap! :) Kaya mo yan.

Magbasa pa

need mo padin ng blessings ng magulang nio.. wag m isipin na itatakwil ka nila kasi walang mgulang na hndi mattanggap ang pag kakamali ng anak.. and swerte ka padin bcoz u have a supportive partner na handang gawin lahat para sa inyo ng baby mo kht na ng aaral palang kau.. laban lang.. 😊

VIP Member

For me, oo andun na tayo sa madi disappoint sila, but still need nyong sabihin sa parents nyo yung sitwasyon. Need nyo ng mahihingan ng payo at tulong, walng iba kundi families nyo. Plus, need nyo po mag pa check up regularly. Isipin mo nalang para to sa baby nyo.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-79659)