Private hospital vs private lying in

Hello po hingi lang sana ako opinion nyo Ano po mas mura private hosp po ba or private lying in? Pwede pa po kaya ako lumipat ng pagpaaanakan? Narinig ko kase sa katabi ko na nasa 70k nagastos nya private hosp kasama na philhealth at 2 days lang sila Kumpleto naman po ako ng mga ultrasound at vitamins. Kaso 38 weeks na po ako makakalipat pa po ba ako?

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1st baby ko, hospital 26k nagastos ko year 2020. etong 2nd baby ko, lying in 14k gastos ko since OB ang nagpaanak sakin, may PF kaya medyo mataas price compared pag midwife magpaanak. I heard yung isang patient na kasabay ko, 6k lang bill nya since midwife ang nagpaanak sa kanya. may qualifications na din po ngayon sa lying in, pag di po pasok dun sa qualifications nila irerefer ka din sa hospital.

Magbasa pa

Ako po sis. Nung 6th week nasa private ako, kaso sobra ako namahalan. So nung next check up ko by 10th week, nagtry ako sa Veterans. Since nagtatanggap na sila ng civilians. Hanggang ngayong 23rd week nako, lahat ng lab tests at check ups sa kanila na. Its not pricey ang mga labs and ultrasound and complete sila mag accommodate ng preggy moms.

Magbasa pa

alam ko pag kabuwanan mo na dika na tatanggapin sa lying in dahil wla kang record sa kanila need kase nila yung mga reqs mo bago ka nagbuntis bale late na kung manganak ka sa lying in. Pero try mo kung meron naman malapit sa inyo mag ask kana lng.

VIP Member

Sa first born ko private hospital ako year 2020 nagastos namin is 49k without philhealth, normal delivery ako and 3 days kami don, then sa 2nd born ko is private lying in 10k with philheath normal delivery and 2 days lang kami non.

Nung 1st baby ko lying in nasa 10k nagastos ko year 2022.. maasikaso sila.. second pregnancy sa public hospital Dito sa city namin.. free checkup and panganganak Basta botante.

Yan din prob ko now, ako 16weeks palang, ayaw kasi ako tanggapin lying in dahil sa edad ko, for 1st baby, hanap talaga hospital na mababa pkge, sa current ko kasi halos 60k mahigit

2mo ago

Salamat

private lying in ako sa 1st baby ko . wala pang 3k po yung binayaran ko . 8k din po na less sa philhealth 😊😊 di ko lang po sure sa private hospital ..

2mo ago

yung epidural po ba ? yung may ini-inject sa lower back ? hindi po ako nag ganun eh kasi mataas naman daw po yung pain tolerance ko .

bat ganun, ang mumura ng lying in sa inyo. Dito sa pinag check upan ko 25k daw less philhealth 18k. Ob po magpapaanak sakin

2mo ago

Kapag OB talaga magpapa anak mahal talaga dpende sa PF nya pero kapag midwife mura lang. Dto samen 500 lng bayad sa lying in covered na ng philhealth.

Sa mga private clinic ka mi. Mas aalagaan ka pa. Nagastos ko lng saken 10k less na PhilHealth.

Hanap ka mommy ng ob na may sariling clinic paanakan. Less ang bayad kesa sa hospital.