Sa palagay mo, magkano ang dapat mong ipunin para sa panganganak?

Voice your Opinion
10k to 20k
20k to 40k
40k to 60k
60k to 80k
80k to 100k
MORE PA! (leave a comment)

3537 responses

53 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Lying in and big public hospital ang affiliations ng private ob na pinupuntahan ko ngayon. Pag normal birth, sa lying in ako manganganak (5k). Pag cs naman sa public hospital dahil yun ang affiliations ni current ob ko. Kaya I think sasapat naman ang 20 to 40k. This is my 2nd pregnancy at normal birth naman kay panganay ko sa private hospital kasi yun ang affiliation ng dati kong ob kaso masyado malayo na lugar yun. Of course aiming again for normal birth now but if complications arise, pwede rin ma-CS for baby's safety. Praying for a safe delivery sa lahat ng preggy at sa mga ka-Team March 2023 ko!🤍

Magbasa pa
2y ago

praying ko lang po maging maayos Ang panganganak ko .. 🙏 ... saktuhan lang Pera po nmin lying in Ako manganganak po .. makaraos po Ng maayos laki pasalamat ko na po ..

now a days ang mga Private hospital ay mataas ang rate ng bayad lalo sa c-section procedure. sa mga public hospital naman ay mababa lamang ang singil pero required na magconsune ng mahabang oras para sa pagpila at pagkuha ng number para magpacheck up. May mga charity hospital naman na may mababang singil pagdating sa pregnancy care pero need parin tlaga na may ipon before the delivery

Magbasa pa

more than 200k kami ng baby ko kasi premature sya, normal delivery.private hospital po kasi affiliated ob ko.sabi ko sa kanya before dun ako manganganak sa mura tapos dito ako tinuro sa ospital na ayaw ko sana kasi mahal talaga.no choice kasi need na talagang palabasin ni baby.

Nung nanganak Po ako sa 1st baby ko, umubos Po kami Ng halos 80k, C's Po ako pero public lang Po un. kaya lang Po inabot Po Kasi kami Ng half month dahil my pneumonia c baby Nung paglabas ko. kaya Ngayon Po sa 2nd baby ko dpat Po tlga paghandaan 100k and above Po. Hindi Po natin masasabi Ang mangyayari kaya dapat Po paghandaan.

Magbasa pa

para saakin 100 to 200k na nilaan ko.. di bale ng sobra wag lang kukulang.. baka mapunta aq sa private hospital.. mahirap yong uutang ka pa pampaanak mo..

1st baby ko ngayon, for me 20k-40k kasi hindi natin alam kung normal delivery ba sa actual labor or cs, its better to be prepared. sa labor palang yan di pa kasali yung mga gamit♥️ para safety kami mag ina. Mahirap na tsaka na maghanap pera pag labor, dapat lagi handa♥️

depende po sya s location, mga kalapit pong hospital. d2 po samin panay private. price range 35k to 75k NSD. 130k to 150k nmn po CS. my public po 1 hospital sv nmn po free. or basically syempre dpat my extra rin.. kya dpat hbng maaga plang at maliit c baby, do canvas n mommy

Nueva ecija po 30-50k lang kasama na bawas sa philhealth, mapa cs or normal delivery ganyan sya nagre-range, pero syempre mas mataas yan kung may complications kay baby or mommy. Mas better mag prepare ng nasa 80-100k if ever man na magkaroon ng problema 🐥🤍.

First time mom meron naman ipon mga 20k lang po balak ng aswa ko sa lying in kaso ako gusto ko public kasi yung mga asawa ng kuya ko public gusto ko iprovide yung ipon namin sa gamit ng baby namin. Naway maging easy and safe delivery ako pati sa lahat ng mommy.

paprivate hospital normal delivery aabot 70k, pagCS daw 100k plus.. pero pag public hospital, affiliate din nang OB ko 30k CS .. normal delivery not more than 20K..