Breastfeeding tips

Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan ๐Ÿ˜ซ grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! ๐Ÿ’š Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mii. Try mo po mag pa-side lying para nakahiga ka rin while breastfeeding at makatulog ka po kahit papano. Sa ganyang age po kasi talaga, maliit lang po yung tummy ni baby, so mas mabilis po nauubos or naabsorb ng katawan nila yung gatas kaya mas mabilis po sila magutom. Every 2 to 3 hrs po talaga yan sila. Tyagaan mo lang mii, di naman sila forever na ganyan. Problem ko din talaga puyat sa unang weeks and umiiyak pa ako nun kasi di pa ako fully recovered physically tapos puyat na puyat. Check mo tong photo mii to know pano yung tamang position ng side lying. Pag ganyan kami, nakakatulog ako habang nagpapadede hehe.

Magbasa pa
Post reply image