Breastfeeding tips

Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan 😫 grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! πŸ’š Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Isa sa mga nakatulong sakin is parehas kaming nakahiga habang breastfeeding. So gising ako habang pinapadede sha tapos pag tulog na sha, nap ako sa tabi ng bebe ko. Every 2 hours din feeding nya. Experience ko din that works is pag nanlalagkit anak ko, I give her a shower para presko tapos ac na di mashadong malamig (kasi madali pa siyang lamigin since maliit pa sha). Tuloy tuloy tulog nya after 😊 For now, since sobrang pagod ka, baka hinging ka ng tulong from a relative for a week para hindi ka na gagawa ng extra things like washing dishes or laundry, house cleaning, etc. Salonpas, not advisable. baka malagyan balat ni baby e sensitive balat nila.

Magbasa pa