Breastfeeding tips

Hello po heeelp. I'm a single first time mom, 5 days old pa lang po si baby and pure breastfeeding pero parang gusto ko na sukuan ๐Ÿ˜ซ grabe malapit na maubos pasensya ko huhu every 1hr or 2hrs naghahanap ng dede so ang ending literal na hindi ako nakakatulog. Makatulog man, mahaba na yung 2 oras putol-putol pa. sobrang sakit na rin ng balikat at braso ko. Any tips po on breastfeeding please... ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ™๐Ÿป And also pwede ba ko mag lagay ng salonpas sa katawan? Sana may sumagot. Tia!!! Edit: Thank you sa mga advises, much appreciated! ๐Ÿ’š Pero yung sa ibang comments na hindi yata na-gets yung point ng post ko, malamang yung breastfeeding gusto kong sukuan hindi yung anak ko. Kaya nga ko nanghihingi ng "TIPS", dahil gusto ko rin naman talaga ituloy kaso parang unang bibigay yung katawan ko at ayoko dumating sa point na yun.

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For tips, kung may mag aalaga po kay baby sa umaga try nyo pong mag pump para hindi kana po gigisingin pag dede si baby at makapagpahinga ka kahit sa umaga lang, at sa gabi naman po try nyo side lying kayong parehas ni baby mag kaharapan kayo para kahit makatulog ka habang nag papa dede hindi ka na mag woworry kasi kusang natanggal ang utong sa bibig nila once na tulog na sila, ako kasi first time din at pag nagpapadede ako at kada dede baby ko naupo ako kaya mahirap talaga, at sa umaga nag pupump ako at mother ko nag aalaga, nung 3 months na sya nag sisidelying na ako

Magbasa pa