Mommy ganyan din po situation ko more than a year ago, February 2019 nalaman kung buntis ako. Nag rereview pa ako nun. Una kung sinabihan ang ate ko, sinabihan nya akong uminom ng pills pero dko ginawa, pero nag sorry din si ate sa akin at kay baby din. Akala ko di ako matatanggap ng family ko lalo na si papa dahil ayaw din nya sa tatay ng anak ko. Nung nalaman nyang buntis ako nandito ako sa Manila. Sabi ni papa ayaw daw nya akong makita o kahit ang anak ko. Umuwi akong probinsya, sa bahay ng partner ko pero pinauwi din lang ako ng papa ko sa bahay namin at sila ni mama ang nag asikaso sa akin nung nanganak ako at nag aalaga ngayon sa baby ko dahil nag wowork ako. Sa tingin ko normal lang na masaktan sila,pero at the end of the day anak ka parin nila kahit anong mangyari hindi ka din nila matitiis. Normal lang na matakot ka pero may baby kana promise sobrang worth it maging ina. Hindi madali maging ina pero magkakaroon ka ng inspirasyon na magpatuloy sa buhay. Hindi ako nag sisisi na dumating si baby sa buhay ko, hinding hindi ko sya ipagpapalit sa kahit anong career o kahit sa pangarap ko. Hindi pa naman huli lahat, mangarap ka ulit kasama si baby π Magpacheck up ka, kumain ng tama, mag vitamins araw araw at magdasal. Kaya mo yan mommy. Malalagpasan mo din yan. Si baby? Okay lang sya wag ka masyado mag isip, nagkamali ka humingi ka ng tawad sa anak mo at sa Dyos, si God na ang bahala sayo at sa baby mo π
Magbasa pa