839 Replies
Wag nalang po natin i bash . oo nagkamli sya pero kaya nga po sya nandito para humingi nang advice/tulong para maliwanagan ang kaisipan . baka sobrang gulo lang po nang pag iisip nya at kailangan nang taong mag ga guide sa kanya . To you miss ilaglag moman ang baby dina mababago na nakipag relasyon ka sa may pamilya kung nagsisisi ka ngayon mas lalong dapat ituloy mo yung baby .mali nanga na nakipag relasyon ka sa may Family papatungan mopa nang isa pang mali at pa patay ka nang bata wala naman kasalanan?? what if nalaglag yung baby at ang kapalit pala non di kana mag kaka baby kahit kailan??? Pray lang po π
Unwanted? Gusto mo Yan pero di pa Lang ngayon. Alam mo ba na Ang daming babaeng may asawa Ang hirap magkaanak? Lahat na ginagawa pero di pa mabiyayaan. Tapos ikaw nag iinarte jan, Batang walang kasalanan e inaayawan mo. Bakit ba kasi pumatol ka sa may asawa? Walang-wala NG lalaki ghorl? Di ko Alam Kung bakit at paano kayo napunta sa sex, pero once na nakipagsex ka, Dapat Alam mong may chance Kang mabuntis. Ayusin mo buhay mo, Wag mo ng dagdagan ang kasalanan mo. Una, premarital sex before marriage. Pangalawa, sa may asawa ka pa pumatol. Tapos gusto mo pang sundan? Try mo magsimba. Magdasal ka.
ambobo mo nmn sa part na pag tapos mong mag pakasarap papatay ka lang. Ginawa mo yan expect mo na dapat na pwedeng mabuntis ka jan. Sorry for the words pero nakakainit kasi ng ulo, lalo na sa sitwasyon kong pilit kong kinakapit ung 15weeks sa tyan ko kasi sobrang selan at anytime pwede daw malaglag, at ayokong mangyari yun. Kaya kung ako sayo girl, panindigan mo na yan oo siguro lahat magagalit sayo dahil nga nabuntis ka pero isipin mo nalang na baby mo yang ipapalaglag mo dugot laman mo yan, isipin mo nalang girl hanggat di pa huli ang lahat. Maawa ka sa bata, binigay yan sayo ni lord may plano sya jan para sayo. Papatayin mo lang?
Oh girl, you know that's your fault.. Alam mo palang studyante ka at ayaw mong mabuntis, mapahiya at mapagalitan ba't ka parin nakipagsex mas malala sa my pamilya pa?.. You're the one to be blame not the child inside your womb.. Alam mo yong ginawa mo pag my epekto kay baby, it will come back to you as her/his mother.. Your in legal age, not a baby or child anymore, you may have a dream but maabut mo naman yan without harming the baby.. I'm 22 right now and Im 7months pregnant.. I just graduated from college.. Kong wla ang covid baka pumapasok ako sa school while I am pregnant because either I like it or not anak ko pa rin to at tanggap ko siya unlike you..
Some people need harsh comments para matauhan. Abortion usapan dito hindi lang basta kalandian. Illegal ang abortion sa pilipinas at imoral yan. Kung gusto nya makarinig ng comforting words, hindi ito ang tamang platform, dun sya manghingi ng advice sa closest friends nya.
ANG DAMI GUSTO MAGCLAIM NG BABY MO NA GUSTO MONG IPAABORT. MERON NARAPE PERO HNDI NAISIP YAN MERON UNEXPECTED DIN, PERO HINDI UNWANTED MERON MAS BATA PA SAYO DITO NA NAGCOMMENT, PERO TINULOY ANG PAGBUBUNTIS KUNG IKAW KAYA SABIHAN NA BUNGA KA DIN NG UNWANTED PREGNANCY AT GUSTO KA DIN IPAABORT. DI BA MASAKIT? PERO ANG SWERTE MO HA BINUHAY KA KAHIT GANYAN KA MAG ISIP. TAKASAN MO MAN YAN KUNG IPAABORT MO, IM SURE HABANG BUHAY KANG GUGULUHIN NG KONSENSYA MO. HNDI LANG YAN BASTA MAGPAPAABORT KA, IN SHORT PAPATAY KA NG BATA. BUHAYIN MO YAN! HARAPIN MO YAN! WAG KANG DUWAG! WAG KANG SELFISH!
I wanna share you a story similar to yours. I am 21 years old now. I gave birth to my baby girl last April 11, 2020. She's turning 5 months. I am also graduating students. Engineering ang course. To tell you this even if hindi tayo same ng situation. Ang laki ng expectations sa akin. But when I knew I was pregnant. Nawala lahat ng takot at lungkot na pwede mo maramdaman. Ngayon sobrang laking blessings na binigay sakin ni Lord. Financially, nakakaipon kahit papaano at nakakasuporta sa pamilya kahot hindi pa nagtatrabaho. Graduating narin. Sana ituloy mo yan. Sobrang laking blessings yan ππ»ππ»ππ»
Harapin mo yan. Wg mo idamay ang baby.. Kasalanan mo yan bkt mo gusto ilaglag yan? Nagkaron kna ng kasalanan sa pamilya mo sa magulang mo sa pamilya ng inahas mo sa baby mo at higit sa lahat sa Diyos na nagbigay nyan sau. Ang dami dami gusto magkaanak tpos ikaw ilalaglag mo lng. Harapin mo yan. Kung itakwil ka nila at ikahiya normal un kz ang laki ng kasalanan mo. Pumatol kpa sa my pamilya e kung di ka ba nman errrrffffff!!! Kainis kang babae ka lakas pa ng loob mong mgpost dito. Harapin mo lahat ng consequence ng ginawa mo. Humingi ka ng sustento. Pg ayw ipakulong mo. Pg d mo kaya buhayin mo yan mg isa!
eh bakit kasi pumatol ka pa sa may pamilya na? ginusto mo yan. kaya wag mo sabihin na di mo ginusto yan. madaming babae ang gustong magka anak pero hindi mag ka anak. madaming mag asawa ang gustong mag anak pero hindi binibiyayaan. alam mo, sana bago mo inisip yang kakatihan mo,. inisip mo muna magiging resulta nyan. gusto mo mag pulis pero pumatol ka sa may asawa. kahit anong advise ibigay namen, ikaw pa din at ang pamilya mo ang makakatulong sayo. wag ka mandamay ng inosenteng bata. nakaka high blood ka. sa susunod ilagay mo sa lugar yang kalandian. π π π
Mahirap talaga umamin pag sobrang strict ng parents. Ako 7months pregnant na lastweek ko lang nasabi sa mga tita ko wala na kasi ako parents sila na yung nagpalaki nagpaaral sakin. Akala ko itatakwil na nila ko pero nung inamin ko hindi sila nagalit siguro disappointed sila sakin pero sabi nila sakin bakit now ko lang daw sinabi para sana sasuportahan nila ko. Kaya kng ako sayo sis try mo na sabihin for sure maiintindihan ka nila sa una siguro magagalit pero sa huli matatanggap din nila. Kesa ilaglag mo yan kawawa si baby. Tsaka sobrang sarap sa feeling na may nabubuo na sa tyan mo. :)
sorry pero nakakaoffend to sayo, pero better kung sasabhin mo na hangang maaga .Kasi ang kasalanan mo alam mo ng may family ung lalaki at first pero parang hinayaan mo may mangyari sainyo and now buntis kana sasabihin mo hindi mo gusto ang baby kesyo nag aaral ka at strict parents mo?? . nagawa mo nga makipag talik sakanya e, so hindi ganon kastrict parents mo kasinagawan mo parin ng paraan para makaraos kau parehoπ. advice ko lang po ituloy mo na ang pregnancy mo, mahalin mo ung baby mo at maging honest kau pareho ng partner mo sabihin mo sa parent mo im sure matatangap nila ung baby, at sa partner mo namn sabhn nya sa asawa nya.
Chey Manlulu