Ayoko po nito
Hello po. Gusto ko lang mang hingi ng advice. Kasi po graduating palang ako 20 yrs old. Unwanted pregnancy po ang nangyari. 9 weeks preggy na po ako ngayon. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kasi sobrang strict ng parents ko. Yung nakabuntis po sa akin ay may family na. May baby na din po sila. Wala po sanang problema kung wala at kaya po sabihin sa parents kaso po paano ako matatanggap ng family ko. Lahat po nandito sa amin naka tira. Sobrang stress na po ako. Help po. Ayoko pa po neto. Sobrang hindi pa po ako ready. Mag pupulis pa po sana ako at sobrang bata ko pa po. Uminom po ako kahapon ng 9 na aspirin yung kulay yellow may effect po kaya yon sa baby??
Dios ko be, alam mong may pamilya na yung lalaki peru bumukaka ka pa rin tapos sasabihin mo ayaw mo pa nyan. sarap lang iniisip mo eh hndi yung magiging kalalabas ng sarap. ganyan mga edad nyo ngayon sarap lang iniisip pag nabuntis sasabihing ayaw pa(hindi ko nilalahat peru karamihan gnun), bakit kasalanan ba ng bata na nabuo sya dhil sa kalandian mo. umayos ka neng, magdsal ka hingi ka ng kapatawaran at lakas ng loob para masabi mo yan sa parent mo. kung makakarinig ka ng mga masasakit na salita tanggapin mo dhil ikaw lang din naman gumawa nyan. matatanggap ka rin nla.
Magbasa paOu mahirap di mo planado, pero blessing yan sa totoo lang kase di yan ibibigay sayo ni lord kung di mo sya kelangan. Wag kang gumawa ng makakaharm sa bata dahil alam mong ginusto mo ung mga ginagawa niyu ng BF mo ang bata nabuo yan dahil sa kapusukan niyu, ngaun anjan na sya pipilitin mong mawala. Wag mong antayin ikaw ang magsisi sa oras na mawala sayo ang baby mo. Just think of the bright side atleast kahit di kayo ng jowa mo may makakasama ka na, magkakaroon ka ng dahilan para magpursige pa at yan ang taong hinding hindi ka iiwan kahit anung mangyare.
Magbasa pamy god😩😩 hindi masusulusyonan ng kasalanan ang isa pang kasalanang ginagawa mo...kawawa nmn ang baby mo..bakit mupa yan naiisip sana nung una palang nag ingat kana lalot ayaw mopa pala ng responsibilidad...am sorry pero gusto kitang iuntog...magising ka sa katutuhanan..panu kung malakas ang kapit ng bata at mabuhay yan?? hindi muba naiisp?? na pwding magkaron ng epekto sakanya yan?? @first wala kana magagawa kundi panendigan po iyan..malalaman at malalaman yan ng pamilya mo kahit ganu pa sila ka strick wala na sila magagawa at dapat sila ang pnaka ulang umintindi at sumoporta sayu..wag muna ituloy yang masama mong binalak pls..naiiyak nako
Magbasa paAte 20 years old lang din ako 10 weeks preggy oo nong una natakot ako kase alam ko madidisappoint ko parents ko, aminin ko naisip ko ito ipalaglag nong nag away kami pero mali yong ipapalaglag mo dahil lang natakot ka, face your fears ganyan ginawa ko inuna ko sa parents ng bf ko don ako una umamin then nong natanggap ako sinuportahan ako iniopen mo na sa magulang ko oo na disappointed ko sila pero matatanggap ka nila di man agad agad pero darating din. Plss lang wag mo ipalaglag malaking kasalanan yan. Kung ano man nagawa mong pag kakamali harapin mo yung naging bunga.
Magbasa paPag naramdaman mo yung first na sipa ng baby mo dun mo marerealize na tama desisyon mong di ipalaglag Baby mo genuine happiness yon. Mag pasustento ka sa Ama ng anak mo, wag mo sundan ang pagkakamali mo ng isa pang pagkakamali grabe balik sayo nyan, atleast pa graduate ka na mabubuhay mo Baby mo, ako din naman 22 years old pa lang ako pero sobrang saya ko na may may maliit na taong nabubuo sa katawan ko ang amazing ng creation ni God, pag pray mo lang magiging okay ang lahat di man agad pero soon magtiwala ka lang sa kanya feeling mo tinalikuran ka ng lahat si Lord di ka tatalikuran. 😊
Magbasa pasis...di mawawala kasalan mo sis kung sasaktan mo ang baby, madadagdagan pa..konsensya mo ang dudurog sa iyo...magisip din .. tatanda kang wala kang peace of mind. . kausapin mo parents mo thats the best thing that u can do... kung hindi mo pa kaya supporta.an pinagdadala mo..possible tlga magagalit ang parents mo sau... dahil in the first place msli nmn tlga ginawa mo nagpadala ka sa lslaking mai asawa na... pro matatanggap din nmn nila yan... tao lng din nmn tau nagkakamali din...kaya harapin mo ang consequence ng pagkakamali mo..para ma.etama mo lahat...
Magbasa paHi, I am 18 years old nung pinagbuntis ko si baby ko. Same tayo, strict din parents ko kasi only child ako and achiever din ako sa school. Wag ka panghinaan ng loob kasi ang unang unang masasandalan mo dyan is fam mo pag nalaman nila. Nung una natatakot din ako kasi baka itakwil ako sa amin pero nung nanganak ako yung daddy ko mas masaya pa siya sa akin. Ipagpatuloy mo sis yung pregnancy mo, walang binibigay na situation si Lord na di natin kaya. I promise you pag isinilang mo yan sobrang masisiyahan ka and mas mamomotivate ka to achieve your dreams for your baby. You can finish your study even tho you have a baby na.
Magbasa paSis, same tayo binabalak mag pupulis anjan lang yan hanggat d ka nakakatungtung ng 30 makakapasok at makakapasok ka sa pnp basta qualified ka bata kapa pero pag ang baby mo pinalaglag mo kasalanan yan baka sa araw na gusto mong mag ka baby hnd kana pag bbgyan ng diyos.. Madami ako kaibgan na pulis na nabuntis muna bago mag apply nakapasok nga sila e, actually asawa ko pulis kaya madami akong kilalang nanay na ng matupad nila pangarap nila blessing yan sis, nga pala yung mga kilala ko naanakan lang dn po sila 😍 pero nag paka ina sila pero tgnan mo blessings na natatanggap nila nakapasa sa applayan at ngayon pulis na..
Magbasa paPag isipan mong mabuti. Wag mo na dagdagan ng kasalanan ang isa pang kasalanan. Walang unwanted pregnancy girl. Alam mo kung ano kahihinatnan ng pakikipagtalik. Alam mo naman palang may pamilya na din si lalaki. Tapos ngayon, gusto mo ipalaglag? Nung nabuntis ako sa panganay ko, graduating student ako. Nagmartsa ako na malaki ang tyan. Pero hindi ko kinahihiya yun kase hindi ko naisip ipalaglag. Please lang, sabihin mo na sa mga magulang mo kung litong lito ka na. Tanggapin mo ang sasabhin nila sayo dahil sa pagkakamali mo. Pero wag na wag mong ipalaglag. Matakot ka sa Diyos.
Magbasa paHaays. Unwanted? Unexpected nalang po pwede pa. I got pregnant 17yrs old. Naghiwalay pa kami when I was like 2mos preggy palang that time mag isa kong kinaya lahat ng hirap, kutya, paninisi ng family, lahat.. Nagwork na din ako 1 and a half mos after giving birth, factory pa kase di naman ako nakatapos. Mairaos ko lang sya 🙂 Ngayon, masaya kami, nabibili ko mga gusto nya. Napakaganda at talinong bata 😇 9mos preggy na din sa baby brother nya, happily in a relationship sa mabuting tao. Kahit kelan, wag mong suklian ng mali yung isa pang pagkakamali iha.
Magbasa pa
Dreaming of becoming a parent