SSS Maternity Notification Confirmation

Hello po good day! Nag file po ako ng Mat Notif, last monday, ang sabi po sa SSS magtetext nalang daw po sila or email para makuha yung Maternity Notification Confirmation , ask ko lang po gano katagal bago po makuha yung Maternity Notification Confirmation, nagwoworry po kasi ako na walang magtext, may mga previous transaction din po kasi ako sa kanila like UMID noon na ang sabi magtetext pero 1 year na mahigit lumipas wala ako nareceive na email or text mula sa kanila.Nung tinanong po kasi namin yung staff na nag assist samin tinarayan lang kami tapos sabi mag antay ng text. Thank you in advance

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Self employed ka po ba? Ako kasi working kaya si company ang nag aasikaso maaga ako nag file kasi minsan matagal mag asikaso ang company. Sabi naman sa akon ng company na pinapasulan ko. Bago daw ang month na manganak ako makukuha na daw. Kailangan ko lang sila hingan ng update from time to time lalo na kapag malapit na para sure na anjan na pag need ko na.

Magbasa pa
5y ago

Dati po akong employed,nagchange ako ng membership to voluntary para matuloy kong mahulugan. Until now di pa rin nachechange yung status , nag inquire din po kami regarding dun kasi baka magkaproblema, sabi okay lang daw yun mahalaga makapag file ng maternity notif. pwede naman daw ifollow up yun pag magceclaim na incase na di pa rin mabago yung status kahit nag aappear na yung mga contribution sa system. nagwoworry lang ako baka yung sa confirmation nakapanganak nako wala pa rin. July 18 po kasi ako EDD ko, pero nitong nakaraan lang namin naasikaso yung filing since nag lockdown. Tsaka magulo din kasi yung tao sa sss nung una ayaw kami papasukin kasi for burial claim lang daw tinatanggap nila sa office lahat daw online na. kaya nagchange kami to voluntary kaso di pa rin nababago status kaya di kami makapag file ng notif online. nag email kami sa customer service nila walang response months na lumipas