Rant

Pinag leave ako ng OB ko ng 1 month due to threatened abortion, sa bahay lang naman ako at nagpapahinga, sinusulit ko yung leave ko pero sa tuwing magdidiskusyon kami ng partner ko lagi niyang sinasabi skin na may mga buntis sa office namin at mas malaki yung tiyan skin pero nag tatrabaho bakit ako pahiga higa lang daw. Isa pang bagay na kinasasama ng loob ko yung sasabihan niya ko na bakit ganito na daw yung kili kili ko ang itim o kaya ano daw nangyari sa singit ko bakit nangingitim, tapos maghilamos naman daw ako kasi tadtad ng tigyawat ung noo ko. Pinapaintindi ko sa kanya yung mga pagbabago sakin, minsan dinadaan ko sa tawa at biro, pero may mga oras na naiiyak ako sa galit tapos gusto ko nalang siyang sigawan ng "TANGA!" Kung noon parang ang ganda ganda ko sa paningin niya, ngayon ni hindi na niya ko mahalikan ng matagal. Tuwing maglalambing ako, parang wala syang gana. Pakiramdam ko pinipilit ko nalang yung sarili ko sa kanya. Alam kong hindi dapat, pero di ko maiwasan na bumaba yung tingin ko sa sarili ko. T_T

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Napaka shallow, insensitive and superficial niyang partner mo ha. Ako na tatampal jan eh, nakakatrigger ng preggy hormones. Alin sa threatened abortion ang di niya maintindihan? Buti nga 1 month ka lang pinagrest eh, yung iba inaabot hanggang delivery dates nila. Mahal ba kamo niya yung magiging baby niyo? Dapat nga yung response niya is super protective and OA sa concern and pinapamper ka tapos ganyan. You should confront him and tell him na ang sama na ng ugali niya. If ngayong buntis ka and ang daming changes na, paano pa pag nanganak ka na di ba? Iparamdam mo sakanya na di na tama mga sinasabi niya and pinaparamdam sa'yo, mommy. Nagiging toxic na siya sainyo ni baby. 😞 Anyway, I hope magkaron siyang intervention esp sa attitude nita towards sayo. Pray mommy at baka dasal lang ang kulang diyang sa partner mo. 🙏

Magbasa pa

Inhale exhale sis. Focus n lng Po Tau sa mababago p ntin.. Kung ayaw k Niya halikan edi wag Kung ayaw ka Niya lambingin hayaan Mo muna.. kc masstress k lng wla nmn Po Tau magagawa Kung gnun nging reaksyon Niya sa pagbubuntis mo Hindi din siya informed or kulang din kaalaman Niya dun at to be honest wla nmn sila pakialam nung ginagawa nila ung deeds n mag babago pala katawan mo at mukha mo pag nabuntis kna. Basta Alam lng nila makaraos.. d mo kasalanan so wag k mag isip ng d maganda.. dretsuhin mo n lng siya pag sinabhan ka n bkit nkahiga ka, n ginagawa mo Yun kc maselan k magbuntis at malaglag anak niya. Or try mo pakausap sa Dr. Mo para malinawan siya.. Kung wla tlga umalis k muna and mag palamig..

Magbasa pa
VIP Member

Can you cut his balls into 8? Sorry not sorry. Yung asawa ko pa nga nagpa-resign sakin nung 1st Tri kasi gusto nya rest nalang ako and focus kay Baby, threatened miscarriage din. Same case. Pag nakatingin ako sa mirror and nagiinarte dahil sa mga changes sa body ko, tinatawanan nya lang ako. Nakakainis lang yung icocompare kapa nya sa iba sa office eh threatened miscarriage na nga. Sige, pumasok ka pag may nangyari sayo, for sure wala naman sya magagawa kundi ngumanga. 🙄 Yaan mo sya, wag mo pagkakausapin. Hahahahahahahaha. ✌🏻

Magbasa pa

Grabe! Hindi makaintindi yang asawa mo. May advised ka na nga ng OB. Ako nga di maselan pero di na pinagtrabaho ng asawa ko simula ng malaman naming buntis ako para safe si baby. Hay anak niya yan dapat maging protective din siya. Napapansin din ng asawa ko na nangingitim ang ilang parte ng katawan ko pero naiintindihan naman niya. Tsk Sensya na nadala lang haynaku! But then, hayaan mo nalang yang asawa mo sa ugali niya, ang importante okay kayo ng baby mo at wag pa stress. Nakakasama sating mga buntis.

Magbasa pa

Bat ganyan, di naman maintindihan ng asawa mo eh buntis ka kase kaya ganon. Kabaligtaran naman ng asawa ko, ako pansin ng pansin sa mga nagbabago sakin pinapagalitan ako ng asawa ko hayaan ko nalang daw normal daw yon. Tsaka nung pinagbed rest ako kase threatened abortion din, ung asawa ko nagagalit pag sumasama ko sa kanya bed rest nga daw ako gusto nia sa kwarto lang ako nagpapahinga.

Magbasa pa

Awww 😢 Ako po maaga nabuntis, 20yo at ngyon dalawa n anak nmin, never ako sinabihan ng gnyan ng asawa ko..pinapansin nya lng umitim n UA ko, my bilbil n ko di gaya nun dalaga pa ko, pero hindi po panglalait..sinasabi nya pa rin ako pinakamaganda sa kahit sino, never din sya naging cold porket pumangit n figure ko..kausapin mo po asawa mo..bka pag pinabayaan mo mas lumala..

Magbasa pa

Mamsh isama mo yan pag nagpacheck up ka. Para maintindihan nya lahat ng nangyayari sayo. Porke lalake siya ay hindi nya nararanasan yan gaganyanin ka. Hindi nya ba alam na napakalaking sakripisyo sa babae ang magbuntis? Pero dahil mahal natin sila at gusto natin mabigyan sila ng pamilya gagawin natin.

Magbasa pa
VIP Member

Aw grabe naman🥺. Bat siya ganun, try mo isama pag nagpacheck up ka para naman matauhan. Dapat nga excited pa siya at mas alagaan ka. Next time na sabihan ka ng kung ano ano, sabihan mo din ng panget at kapansinpansin sa kanya para naman mahimasmasan.

Ako nga po hindi naman maselan sken awa ng Dyos pero pnag stop na ako mag work ng hubby ko. Gawa ng 1stbaby namin to.. at mas natatawa pa sya pag pumapangit ako ksi sign daw na male anak nmin, at di nga nagkamali ayun result sa UTZ. 😂

Kpal ng mukha ng aswa ko mamsh , dpat sya unang una makaintndu sayu at sya fin ang unang magsbi n wg kna gmlaw ksi delekdo nga baby nio pag npgud ka at ung physical n pagbabagu dla yan ng pagbbuntis sguro baby boy yan ,