Rant

Pinag leave ako ng OB ko ng 1 month due to threatened abortion, sa bahay lang naman ako at nagpapahinga, sinusulit ko yung leave ko pero sa tuwing magdidiskusyon kami ng partner ko lagi niyang sinasabi skin na may mga buntis sa office namin at mas malaki yung tiyan skin pero nag tatrabaho bakit ako pahiga higa lang daw. Isa pang bagay na kinasasama ng loob ko yung sasabihan niya ko na bakit ganito na daw yung kili kili ko ang itim o kaya ano daw nangyari sa singit ko bakit nangingitim, tapos maghilamos naman daw ako kasi tadtad ng tigyawat ung noo ko. Pinapaintindi ko sa kanya yung mga pagbabago sakin, minsan dinadaan ko sa tawa at biro, pero may mga oras na naiiyak ako sa galit tapos gusto ko nalang siyang sigawan ng "TANGA!" Kung noon parang ang ganda ganda ko sa paningin niya, ngayon ni hindi na niya ko mahalikan ng matagal. Tuwing maglalambing ako, parang wala syang gana. Pakiramdam ko pinipilit ko nalang yung sarili ko sa kanya. Alam kong hindi dapat, pero di ko maiwasan na bumaba yung tingin ko sa sarili ko. T_T

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Napaka shallow, insensitive and superficial niyang partner mo ha. Ako na tatampal jan eh, nakakatrigger ng preggy hormones. Alin sa threatened abortion ang di niya maintindihan? Buti nga 1 month ka lang pinagrest eh, yung iba inaabot hanggang delivery dates nila. Mahal ba kamo niya yung magiging baby niyo? Dapat nga yung response niya is super protective and OA sa concern and pinapamper ka tapos ganyan. You should confront him and tell him na ang sama na ng ugali niya. If ngayong buntis ka and ang daming changes na, paano pa pag nanganak ka na di ba? Iparamdam mo sakanya na di na tama mga sinasabi niya and pinaparamdam sa'yo, mommy. Nagiging toxic na siya sainyo ni baby. 😞 Anyway, I hope magkaron siyang intervention esp sa attitude nita towards sayo. Pray mommy at baka dasal lang ang kulang diyang sa partner mo. 🙏

Magbasa pa