Rant

Pinag leave ako ng OB ko ng 1 month due to threatened abortion, sa bahay lang naman ako at nagpapahinga, sinusulit ko yung leave ko pero sa tuwing magdidiskusyon kami ng partner ko lagi niyang sinasabi skin na may mga buntis sa office namin at mas malaki yung tiyan skin pero nag tatrabaho bakit ako pahiga higa lang daw. Isa pang bagay na kinasasama ng loob ko yung sasabihan niya ko na bakit ganito na daw yung kili kili ko ang itim o kaya ano daw nangyari sa singit ko bakit nangingitim, tapos maghilamos naman daw ako kasi tadtad ng tigyawat ung noo ko. Pinapaintindi ko sa kanya yung mga pagbabago sakin, minsan dinadaan ko sa tawa at biro, pero may mga oras na naiiyak ako sa galit tapos gusto ko nalang siyang sigawan ng "TANGA!" Kung noon parang ang ganda ganda ko sa paningin niya, ngayon ni hindi na niya ko mahalikan ng matagal. Tuwing maglalambing ako, parang wala syang gana. Pakiramdam ko pinipilit ko nalang yung sarili ko sa kanya. Alam kong hindi dapat, pero di ko maiwasan na bumaba yung tingin ko sa sarili ko. T_T

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Grabe! Hindi makaintindi yang asawa mo. May advised ka na nga ng OB. Ako nga di maselan pero di na pinagtrabaho ng asawa ko simula ng malaman naming buntis ako para safe si baby. Hay anak niya yan dapat maging protective din siya. Napapansin din ng asawa ko na nangingitim ang ilang parte ng katawan ko pero naiintindihan naman niya. Tsk Sensya na nadala lang haynaku! But then, hayaan mo nalang yang asawa mo sa ugali niya, ang importante okay kayo ng baby mo at wag pa stress. Nakakasama sating mga buntis.

Magbasa pa