hi.. parant lang

lately parang napapansin ko yung mga changes sa asawa ko.. nung bago bago palang kaming nagsama dito sa bahay di naman siya ganito. pero after mga ilang weeks parang nagbabago na. kapag galit ako, galit din siya. minsan sinisigawan pa ko. ang ending maiiyak ako tapos maglalambing siya. magiging mabait, sweet and all tapos mga ilang oras balik na naman sa ganon. lagi na din niya kong napagtataasan ng boses. tuwing may iuutos ako sa kanya parang lagi pang labag sa loob niya. like nung nakaraan lang, sabi niya sakin lagi ko daw tinatiming na mag uutos ako tuwing may ginagawa siya. eh ang ginagawa lang naman niya nagdadownload sa computer ng kung ano ano. di ko naman siya pinagbabawalan na gumamit basta alam niya limit kasi baka tumaas din yung kuryente. sasabihin niya pa na di ko siya naiintindihan. na yun na nga lang daw libangan niya. nakakasama ng loob... ps. 36 weeks preggy here

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mag usap po kayo ng maayos mommy. Ipaliwanag mo sa knya na hindi nakabubuti nag aaway kayo tas nastress ka, lalo na at malapit ka na manganganak. Tsaka pray din mommy to calm your senses. Wag palagi umiyak. Isipin mo baby nyo po. God bless your family mommy.