PPD (Post partum depression)

para akong kandila na unti unting nauubos. kundi lang ako naaawa sa anak namin baka ano na ginawa ko sa sarili ko. di maalis sa isip ko ang pagpapakamatay. isang taon na akong nakikipaglaban sa PPD mag isa. nahihirapan na akong mag cope at magpangap na masaya.

81 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Dada...we all undergo depression at some point sa buhay natin and very important na may support system ka. Right now since hindi mo nakukuha yong support from your hubby hanap ka ng tao na pwede mong matakbuhan everytime na maypumapasok sa isip m0 na di maganda. Kaibigan na pwede mong pagkatiwalaan. Important na maymapapagsabihan ka or mailabas mo lahat ng nararamdaman. Mahirap na magisa kapagmay depression. Regarding sa husband mo kausapin mo sya ng maayos, try mo syang pagaralan kung ano yong behaviour nya and pano mo mapapaabot yong messageo across. Meaning kailangan mo maunawaan muna pano sya makakaintindi then tsaka mo explain kung ano ang nararamdaman mo. Use his language, if kalma sya makipagusap try mo din kalma yong pagkasabi sa kanya..Basta the goal is to make him understand. Blessed ka pa din kse andyan na yong baby mo, focus mo yong attention mo sa kanya make your baby your world. For sure nyan di ka namakakaisip ng masama sa sarili mo. Mag "me" time ka din mamshie. Paganda ka and magexercise kahit 30mins. Nakakaproduce ng happy hormones and pag exercise kaya maganda sa health mo un. And lastly po pray pray pray po tayo. Wala pong masnakakaintindi satin kundi sya so lahat lang iiyak or idasal mo sa kanya.. Kapit lang mamshie and Laban lang😘 Hugs and hugs...

Magbasa pa

Same po ako nung grabe PPD ko nagising nalang ako madaling araw nag iiyak lalim ng iniisip tapos may knife pa naman dito sa room kasi yung kasamahan namin dati pinasok yung room nila. Iba na feeling ko nun wala na ko sa katinuan pero si god gumawa ng paraan para matauhan ako. Yung sarap sarap ng tulog ng baby ko nun bigla syang umiyak as in parang iyak na nasaktan sya una hindi ko mahawak nagising si hubby kinuha nya iyak parin ng iyak si baby ko. Tapos nung medyo natauhan na ko kinuha ko ayun biglang tumahimik haist yun yung time na narealize ko BAKIT KO PAGKAKAITAN NG BUONG PAMILYA ANG ANAK KO? YUNG PINANGARAP AT PINAGLABAN KO NUN NA MAGING BUO KAMI PERO AKO PA PALA SISIRA. ngayon ang lakas ko si lo kahit sakit sa ulo asawa ko at pamilya nya alam ko naman na gumagawa parin ng way si hubby para icomfort ako dahil dun palang sa pinagsabihan nya family nya na wag ako gagalawin sarap na sa pakiramdam

Magbasa pa

Same here mommy pero nilalabanan ko ung tipong hindi nila iniisip ung mga bagay na nagagawa natin para sa kanya porke buntis ka para kanang walang kwenta misan punapasok din s isipan ko ano ano misan iniisip ko ganito lang nman life ko para san pa ano hintayin ko mamatay ako n hindi masaya kaya nakakaisip talaga ko misan na ako mismo mag end pero thanks god nalalabanan ko un kasi may 2 pakong anak at coming n si bunso iniisip ko at pinagdarasal ko na dagdagan pa ang buhay ko para s mga anak ko kahit para sa kanila na lang kesa sarili ko isipin ko hindi ko na iisipin ung kasiyahan ko sila na lang iisipin ko kasi s ayaw at sa gusto natin pag nawala tayo pag ganyan asawa natin madali sila makakalimot magkakaron at magkakaron sila ng iba kaya iniisip ko kesa iba magaalaga s mga anak ko ilalaan ko buhay ko sa kanila mapalaki ko lang sila maayos... share ko lang din po thanks ... kaya mommy keep fighting 😊😊😊

Magbasa pa

Labaaaan lang mommy!!! Cry it out once in a while para marelease yung pain, worries and burden na nafefeel mo, that way gagaan din pakiramdam mo. Have someone you can talk to, taong malapit at concern talaga sayo, any fam member or bestfriend maybe para malabas mo yung nafe-feel mo at para may aalalay po sa inyo lagi. Distract yourself from negativities and negative thoughts po. Listening to christian/church songs helps po for me ha, try niyo rin po, it might work for u as well. Pray po lagi mamsh kasi minsan si God nalang din talaga yung feeling nating makakaintindi satin eh. Alwayssss keep in mind po that you are beautiful and in great value!!!! You are precious, in God's eye, we all are po. 😒❀️ Be stroooong po please para sa inyo ni baby. πŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa

Hi, Alam ko mababasa mo to. Tandaan mo to hindi ka niya bbigyan ng pagsubok na hindi mo kayang lagpasan. Magdasal ka lang. Isipin mo nalang mas marami pang tao ang may mas malaking problema kesa sa problema mo. Magpatuloy kang mabuhay para sa anak mo alam mo kung bakit? Sobrang sakit mawalan ng ina maawa ka sa anak mo kailangan ka niya. 17 years old ako when my mum died due to breast cancer at alam mo anong pakiramdam? Pakiramdam ko kawawa ako wala akong nanay kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Nung nawala siya para na rin akong nawalan ng isang paa ng isang kamay. I always pray sana andito pa rin ang nanay ko lalo na ngayong buntis ako kailangan ko ang nanay ko pero wala na siya. 😭😭 I hope maging okay ka na.

Magbasa pa
TapFluencer

Hug tayo mommy...kayang kaya mo yan lalo nat iisipin mo lagi ang anak mo. Nong dalaga pa ako lagi ko dn naiisip yan pag naiiwan ako mag isa yan lagi pumapasok sa isip ko..wala ako ginawa kundi umiyak tapos magdadasal ako n sana mamatay na lang ako..pag may ibang tao masaya ako..pag ako lang andami damj ko inisip..salamat sa DIYOS at nalampasan ko ang stage na un..lagi ako ngdadasal kay St. Rita, ngrorosary...ngayon may anak na ako naiiyak pa dn ako...andami ko pa dn naiisip..pero pag ngdadasal ako lagi ko sinasabi...may anak po ako kung ano man po itong pinagdadaanan ko tulungan nyo po akong malampasan ito..kailangan po ako ng anak ko... Sana ikaw din mommy alang alang sa anak mo lumaban ka kailangan ka nya/nila.

Magbasa pa

pray lang po lagi malalagpasan mo dn po yan.. lahat ng problema may solusyon basta tiwala po tayo kay Papa God. Kung walang wala ka tlaga mapagsabihan sulat mo lng po sa papel dun mo ilabas lahat tas iyak then pray ka lng ipagdasal mo lahat.. gagaan dn pakiramdam mo and after ilang days weeks or months magiging ok dn ang lahat.. Huwag mo nlng pansinin mga negative na sinasabi ng asawa mo alalahanin mo mga masasayang moments nyo.. Mag pamiss ka minsan okaya pag silbihan mo sya ng di mo sya kinikibo, iparamdam mo pdn ung love mo despite sa mga ginagawa nya sayo marerealiza nya dn na mali sya at maayos dn kau..

Magbasa pa

Wag n wag mong gagawin ang suicide mommy please. Kawawa ang baby mo. Ikaw ang kailangan nya, ikaw ang magiging gabay nya. Hindi tayo nabubuhay para sa asawa/partner lang natin. Kung ganyang klase asawa mo, wag kang patalo sa knya. Ipag pray mo asawa mo. Mag focus ka s baby mo. May pamilya ka, kaibigan o ibng tao n nagmamahal sau, concern sau. Mg share k s knila. It's ok n minsan hindi tayo ok. I accept mo yun s sarili mo, wag mo ikahiya n malamn ng iba. Pray k lagi mommy.

Magbasa pa

Same feeling mommy masakit lalo n s side ntin kapag wla kang trabaho wala k din pkinabang asawa ko ganyan lahat ng binibigay my sumbat.kapag uuwi ng bahay n minsan lng nmn kming mkasama lagi oang galit at lagng inaaway mga anak ko. Kaya gingawa ko hnd ko sya pinapansin. Pinlalakas ko lng ang loob ko para s mga anak ko sila lang ang iniintindi ko kahit nhihirapan n ako ...kaya mommy u need more strong para s knila.kse kung oang hihinaan tayo ng loob paani sila.

Magbasa pa
VIP Member

Wag mo po isiping or gagawin na tapusin ang buhay mo. Mas masarap pa din pong mabuhay khit mahirap. Laban lng. Ialay mo po sa anak mo ang buhay mo. Ung sa asawa mo po kauspin mo po sya ng maayus at mahinahon baka sakali pong maintindihan ka nya. Paintindi o sbhin mo po sakanya ung mga nararamdaman mo at sabihin mo po kung anong maitutulong nya. . If di ka po nya maintindihan, . Sa family or friends mo po ikaw magsabi ng mga nararamdaman mo.

Magbasa pa