PPD (Post partum depression)
para akong kandila na unti unting nauubos. kundi lang ako naaawa sa anak namin baka ano na ginawa ko sa sarili ko. di maalis sa isip ko ang pagpapakamatay. isang taon na akong nakikipaglaban sa PPD mag isa. nahihirapan na akong mag cope at magpangap na masaya.

Hi, Alam ko mababasa mo to. Tandaan mo to hindi ka niya bbigyan ng pagsubok na hindi mo kayang lagpasan. Magdasal ka lang. Isipin mo nalang mas marami pang tao ang may mas malaking problema kesa sa problema mo. Magpatuloy kang mabuhay para sa anak mo alam mo kung bakit? Sobrang sakit mawalan ng ina maawa ka sa anak mo kailangan ka niya. 17 years old ako when my mum died due to breast cancer at alam mo anong pakiramdam? Pakiramdam ko kawawa ako wala akong nanay kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Nung nawala siya para na rin akong nawalan ng isang paa ng isang kamay. I always pray sana andito pa rin ang nanay ko lalo na ngayong buntis ako kailangan ko ang nanay ko pero wala na siya. 😭😭 I hope maging okay ka na.
Magbasa pa


