PPD (Post partum depression)
para akong kandila na unti unting nauubos. kundi lang ako naaawa sa anak namin baka ano na ginawa ko sa sarili ko. di maalis sa isip ko ang pagpapakamatay. isang taon na akong nakikipaglaban sa PPD mag isa. nahihirapan na akong mag cope at magpangap na masaya.

Hug tayo mommy...kayang kaya mo yan lalo nat iisipin mo lagi ang anak mo. Nong dalaga pa ako lagi ko dn naiisip yan pag naiiwan ako mag isa yan lagi pumapasok sa isip ko..wala ako ginawa kundi umiyak tapos magdadasal ako n sana mamatay na lang ako..pag may ibang tao masaya ako..pag ako lang andami damj ko inisip..salamat sa DIYOS at nalampasan ko ang stage na un..lagi ako ngdadasal kay St. Rita, ngrorosary...ngayon may anak na ako naiiyak pa dn ako...andami ko pa dn naiisip..pero pag ngdadasal ako lagi ko sinasabi...may anak po ako kung ano man po itong pinagdadaanan ko tulungan nyo po akong malampasan ito..kailangan po ako ng anak ko... Sana ikaw din mommy alang alang sa anak mo lumaban ka kailangan ka nya/nila.
Magbasa pa


