Breadwinner

Palabas lang ng sama ng loob. Pagod na pagod na ako kaka suporta. Yung tipong pakiramdam na lahat asa sayo. Taga bayad ng kuryente, tubig, pagkain at internet. Pati asawa ko asa sa akin, pampa check up, gastos sa panganganak sakin lahat. Gusto ko magbukod kaso sino mag aalaga sa baby ko eh need ko magtrabaho. Naiinggit ako sa mga kaedad ko kasi nakakabili na sila ng sasakyan at bahay, eh ako paano makaka ipon eh magulang ko parehas walang trabaho 40s pa lang sila kargado ko na, pati bunso kong kapatid walang trabaho. Naisip ko lang ako never ko paparanas sa anak ko na responsibility niya ako, paghahandaan ko ang retirement ko.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, you can always set yourself free from the situation, minsan din kasi kaya sila umaasa kasi we are willing to shoulder everything, okay naman magbigay po, there is nothing wrong, pero kapag meron kanang own responsibility, pwed mo talaga sabihin na dito ka nalang, may hangganan na pagtulong, or maglagay ka na ng limit. Minsan kasi di natin namamalayan nag o-overfunction na tayo as anak, as kapatid at asawa. Sa una lang po mahirap mag let go ng ibang responsibility, but if di mo gagawin ng dahan2 hanggang sa tumanda ka kargo mo pa din sila. your siblings should work their butt, lalo na asawa mo. Dapat meron pong masinsinan pag uusap sa pamilya. Baka sabihin mo "madali lang sabihin kasi wala kami/ako sa situation", actually mahirap talaga sya gawin, but once nasabi mo na at nagbuild ka ng boundary, jan nila maiintindihan kong bakit. Madaling maiinggit sa achievement ng iba, pero remember po, ang buhay ay phase po, may oras ang lahat, nagkataon lang na una sila, darating din yung sayo, and you can do that by reducing your responsibilities sa inyo.

Magbasa pa
3y ago

Magbigay ka pa din pero ibudget na nila. 5k a month. Kasi need mo ng magbayad ng renta at magkakaanak kana. Hayaan mo sasabihin ng iba hindi sila ang nahihirapan.

If di na po kaya ng parents mo mag work like halimabawa po kung may sakit sila or what, pero kung wala naman, give them business po, bigyan mo lang sila ng puhunan tas maraming kumikita ngayong na business kahit sa online selling lang. Kapag po kasi bigay po pang gastos lang maubos din po agad yon pero pag binigyan mo sila pagkakakitaan pwedeng don na sila kumuha ng pang gastos nila pag kumita po sila. Sa part naman po ng asawa, you should talk to him po, hindi maganda na ikaw ang naghahanap buhay tapos siya wala po. Pag may aaasahan, may parating umaasa. Give yourself a break sis, baka wala ka na nga time niyan sa anak mo po kasi puro work ka na lang. Kailangan masabihan mo po sila ng kalagayan mo po lalo na asawa mo kung hindi naman siya PWD at malakas naman ang katawan niya he should be the one to take responsibility. Fighting lang sis. I'm sure your child is blessed to have a mother that is hardworking like you.

Magbasa pa

May trabaho din po ang asawa ko kaya lang tulad ko nagbibigay din siya sa parents niya. Nag try na po kami mag renta ni hubby buntis pa lang ako, kaya lang di rin kaya ng kunsensya ko na di magbigay kasi ultimo pandesal pang almusal ang parents wala nagi-guilty lang ako. Kaya naman po ng sahod ko 39k a month kaya lang di po talaga ako makaipon. Dati iniisip ko nalang binayayaan ako ni Lord ng magandang trabaho kaya dapat i share ko sa family ko. Pero habang natanda ako mag 30yrs. old na ako, hindi man lang ako maka invest kahit bahay kakasuporta sa parents ko. Mahirap kasi pag pinabayaan mo ang parents mo tingin sayo masama ka ng anak

Magbasa pa
3y ago

Magset kayo magkano ibibigay nyo kasi may pamilya na kayo yung ibang kapatid dapat magbigay din.

Ganyan na ganyan ako, pwera lang sa mister, kasi parehas kami kumikita ng mister ko pero syempre nagbibigay din siya sa bahay nila, yung kapatid ko wala na syang naitutulong sa bahay nagdadala pa ng gf sa bahay namin. Nastress ako sobra non buntis pa naman ako isa yun sa dahilan ng miscarriage ko kaya kinausap ng mister ko na tumulong muna sa bahay or kung ayaw niya mangungupahan kami, sige daw mangupahan kami kaya umalis kami kinabukasan. Ngayon nagtrabaho siya at siya na nagbabayad ng lahat ng bills sa bahay. Si mama ko na lang binibigyan ko.

Magbasa pa

napaka sarap naman ng buhay nila.. cut off the internet. is not that necessary naman.. para di din sila komportaleng naka tambay lang sa bahay.. talk to your partner to have a job sya dapat nag proprovide sa inyong mag ina. you neednto control them walang mangyayari at parepareho kayong di uusad pag ganyan.. imbis na umuusad kana pataas hihilahin ka lang nila pababa. wag mo itolerate ganyan ugali..

Magbasa pa
3y ago

sabi mo kasi ikaw lahat na ako, sayo umaasa partner mo pampa check up at at gastos ikaw pa. wala talaga mangyayari.. once na nagkapamilya na pamilya na dapat ang priority not the extended family.. its okay to say no. baguhin mo na yung cycle na yan habang maaga pa.. ikaw din mauubos..

wag mong akuin para matuto sila tumayo sa mga paa nila, pag tumigil ka magbigay magugutom yang mga yan at mapipilitan gumawa ng paraan pra makabili ng pagkain dahil di din naman nila matitiis mamatay sa gutom. kahit na maging masama ay madamot ka na sa paningin nila, unahin mo na ang sarili mo.

sa panahon ngayon kasi hnd na uubra na puro give lang. total bata pa parents mo hanapan mo sila mapagkakatian tpos kausapin mo kapatid mo. Yang asawa mo din kmu magbanat ng buto at mahiya naman sayo. Kumg ako sayo mag ipon ka pra sainyo ng baby mo.

3y ago

Bata pa ang 40 pwede pa magwork, Filipino mentality na kapag graduate ng anak pahinga na sa trabaho.. Ako hanggat kaya ko magwork ako at magipon for retirement para hindi nila ako responsibilidad mga diko nagawa gusto ko magawa nila pero tuturuan ko din sila magshare sa bahay kasi sakin pa sila nakatira at may kita na sila at magipon dapat sila.

Wag po mainggit sa iba pra wag ka po ma stress be grateful and try mo po kausapin family mo. Pag hindi nakinig. Unahin mo mag save for your baby and for your future. Pag naiingit ka kasi sa iba yun mag stress na mas ma depress ka sa situation mo

3y ago

Opo simula ng magkababy ako, natuto na ako magtago ng pera kahit sa asawa ko hindi ko sinasabi na may isa akong account.

mommy,dapat turuan niyo din sila , di ganyan laging naasa sayo, kawawa kayo ni baby, nastress pa kayo niyan

Manalig kalang po sa panginoon❣️