Breadwinner

Palabas lang ng sama ng loob. Pagod na pagod na ako kaka suporta. Yung tipong pakiramdam na lahat asa sayo. Taga bayad ng kuryente, tubig, pagkain at internet. Pati asawa ko asa sa akin, pampa check up, gastos sa panganganak sakin lahat. Gusto ko magbukod kaso sino mag aalaga sa baby ko eh need ko magtrabaho. Naiinggit ako sa mga kaedad ko kasi nakakabili na sila ng sasakyan at bahay, eh ako paano makaka ipon eh magulang ko parehas walang trabaho 40s pa lang sila kargado ko na, pati bunso kong kapatid walang trabaho. Naisip ko lang ako never ko paparanas sa anak ko na responsibility niya ako, paghahandaan ko ang retirement ko.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa panahon ngayon kasi hnd na uubra na puro give lang. total bata pa parents mo hanapan mo sila mapagkakatian tpos kausapin mo kapatid mo. Yang asawa mo din kmu magbanat ng buto at mahiya naman sayo. Kumg ako sayo mag ipon ka pra sainyo ng baby mo.

3y ago

Bata pa ang 40 pwede pa magwork, Filipino mentality na kapag graduate ng anak pahinga na sa trabaho.. Ako hanggat kaya ko magwork ako at magipon for retirement para hindi nila ako responsibilidad mga diko nagawa gusto ko magawa nila pero tuturuan ko din sila magshare sa bahay kasi sakin pa sila nakatira at may kita na sila at magipon dapat sila.