Breadwinner

Palabas lang ng sama ng loob. Pagod na pagod na ako kaka suporta. Yung tipong pakiramdam na lahat asa sayo. Taga bayad ng kuryente, tubig, pagkain at internet. Pati asawa ko asa sa akin, pampa check up, gastos sa panganganak sakin lahat. Gusto ko magbukod kaso sino mag aalaga sa baby ko eh need ko magtrabaho. Naiinggit ako sa mga kaedad ko kasi nakakabili na sila ng sasakyan at bahay, eh ako paano makaka ipon eh magulang ko parehas walang trabaho 40s pa lang sila kargado ko na, pati bunso kong kapatid walang trabaho. Naisip ko lang ako never ko paparanas sa anak ko na responsibility niya ako, paghahandaan ko ang retirement ko.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan na ganyan ako, pwera lang sa mister, kasi parehas kami kumikita ng mister ko pero syempre nagbibigay din siya sa bahay nila, yung kapatid ko wala na syang naitutulong sa bahay nagdadala pa ng gf sa bahay namin. Nastress ako sobra non buntis pa naman ako isa yun sa dahilan ng miscarriage ko kaya kinausap ng mister ko na tumulong muna sa bahay or kung ayaw niya mangungupahan kami, sige daw mangupahan kami kaya umalis kami kinabukasan. Ngayon nagtrabaho siya at siya na nagbabayad ng lahat ng bills sa bahay. Si mama ko na lang binibigyan ko.

Magbasa pa