Nakasagutan ang nanay habang buntis
Hello po buntis po ako. Totoo kaya na mamalasin ang pagbubuntis kapag nakasagutan at napaiyak ang nanay. Sobrang sama kasi ng loob ko dahil yung kakainin nalang namin eh ibibigay pa nya sa kapatid ko na walang trabaho (ayaw magtrabaho laki ng katawan. Palagi nakaasa samin) syempre bilang buntis at nakikitira sa bahay nila, kami ng partner ko ang halos lahat sa gastusin like internet, gasul, ulam, at pailan ilang grocery. Isang beses lang naman ako nagsalita kasi halos ubusin nya yung pinamili ko at inabot nya sa kapatid ko eh madami din kami kumakain dito sa bahay. Sa sobrang sama ng loob ko nakapag salita ako at nagsagutan kami. Ang ending umiyak din nanay ko at ako pa ang lumabas na masama. Malas ba yun mga mii? Natatakot kasi ako sa pinagbubuntis ko.