Breadwinner

Palabas lang ng sama ng loob. Pagod na pagod na ako kaka suporta. Yung tipong pakiramdam na lahat asa sayo. Taga bayad ng kuryente, tubig, pagkain at internet. Pati asawa ko asa sa akin, pampa check up, gastos sa panganganak sakin lahat. Gusto ko magbukod kaso sino mag aalaga sa baby ko eh need ko magtrabaho. Naiinggit ako sa mga kaedad ko kasi nakakabili na sila ng sasakyan at bahay, eh ako paano makaka ipon eh magulang ko parehas walang trabaho 40s pa lang sila kargado ko na, pati bunso kong kapatid walang trabaho. Naisip ko lang ako never ko paparanas sa anak ko na responsibility niya ako, paghahandaan ko ang retirement ko.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, you can always set yourself free from the situation, minsan din kasi kaya sila umaasa kasi we are willing to shoulder everything, okay naman magbigay po, there is nothing wrong, pero kapag meron kanang own responsibility, pwed mo talaga sabihin na dito ka nalang, may hangganan na pagtulong, or maglagay ka na ng limit. Minsan kasi di natin namamalayan nag o-overfunction na tayo as anak, as kapatid at asawa. Sa una lang po mahirap mag let go ng ibang responsibility, but if di mo gagawin ng dahan2 hanggang sa tumanda ka kargo mo pa din sila. your siblings should work their butt, lalo na asawa mo. Dapat meron pong masinsinan pag uusap sa pamilya. Baka sabihin mo "madali lang sabihin kasi wala kami/ako sa situation", actually mahirap talaga sya gawin, but once nasabi mo na at nagbuild ka ng boundary, jan nila maiintindihan kong bakit. Madaling maiinggit sa achievement ng iba, pero remember po, ang buhay ay phase po, may oras ang lahat, nagkataon lang na una sila, darating din yung sayo, and you can do that by reducing your responsibilities sa inyo.

Magbasa pa
3y ago

Magbigay ka pa din pero ibudget na nila. 5k a month. Kasi need mo ng magbayad ng renta at magkakaanak kana. Hayaan mo sasabihin ng iba hindi sila ang nahihirapan.