Breadwinner

Palabas lang ng sama ng loob. Pagod na pagod na ako kaka suporta. Yung tipong pakiramdam na lahat asa sayo. Taga bayad ng kuryente, tubig, pagkain at internet. Pati asawa ko asa sa akin, pampa check up, gastos sa panganganak sakin lahat. Gusto ko magbukod kaso sino mag aalaga sa baby ko eh need ko magtrabaho. Naiinggit ako sa mga kaedad ko kasi nakakabili na sila ng sasakyan at bahay, eh ako paano makaka ipon eh magulang ko parehas walang trabaho 40s pa lang sila kargado ko na, pati bunso kong kapatid walang trabaho. Naisip ko lang ako never ko paparanas sa anak ko na responsibility niya ako, paghahandaan ko ang retirement ko.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May trabaho din po ang asawa ko kaya lang tulad ko nagbibigay din siya sa parents niya. Nag try na po kami mag renta ni hubby buntis pa lang ako, kaya lang di rin kaya ng kunsensya ko na di magbigay kasi ultimo pandesal pang almusal ang parents wala nagi-guilty lang ako. Kaya naman po ng sahod ko 39k a month kaya lang di po talaga ako makaipon. Dati iniisip ko nalang binayayaan ako ni Lord ng magandang trabaho kaya dapat i share ko sa family ko. Pero habang natanda ako mag 30yrs. old na ako, hindi man lang ako maka invest kahit bahay kakasuporta sa parents ko. Mahirap kasi pag pinabayaan mo ang parents mo tingin sayo masama ka ng anak

Magbasa pa
3y ago

Magset kayo magkano ibibigay nyo kasi may pamilya na kayo yung ibang kapatid dapat magbigay din.