Family prob

Hello, pahingi po advice hehe. Umpisahan po natin sa kapatid ng asawa ko, sinabihan niya ko na hindi daw po ako tanggap ng pamilya nila, kahit ung tito po nila sinabihan din po ako nun at pinagkalat pa sa mga kapitbahay nila. Katulad po ng kapatid ng asawa ko di na sya nag aambag ng pambayad sa mga gastusin sa bahay puro asawa ko nalang tapos ganun na nga ung ginagawa niya di man lang sya tumulong sa mga gawaing bahay kahit man lang pag wawalis. Shempre ako bilang asawa, di ko naman kayang makitang nanggigitata ung bahay kaya kahit malaki na po tyan ko todo linis pa din po ako, may mga alaga din po syang hayop halos araw araw nalang po kami pa po nagpapakain. And ung sa mama at papa niya po na nasa province, sa totoo lang po di ko po talaga pinagsasabihan ung asawa ko tungkol sa pagpapadala niya sa magulang niya na buwan buwan po 10k ung binibigay ng asawa ko sa kanila, minsan magugulat nalang ako kasi sasabihin niya nalang sakin na nagpadala na naman sya ng malaking pera sa mga magulang niya kahit naman nakakakuha ung mga magulang niya ng pensyon 12k a month din po un. ?Sinasarili ko lang po lahat ng problema ko pamilya nila, lalo na 12 years po ang agwat ng edad namin. Sobrang nakakainis po talaga! Parang gusto ko nalang lumayas sa bahay nila. BTW, 27 weeks preggy po ako.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ikaw ang asawa. Ang lalake kapag magasawa, wife at baby or paparating na baby na ang priority. Walang masama sa pagtulong sa magulang, pero di rin naman masama kung bawasan man lang niya yung 10k then dagdagan niya yung binibigay niya sayo. Ako nakatira rin ako sa bahay ng byenan ko, may mga aso rin sila, ako rin nagpapakain, gumagawa rin ako ng gawaing bahay pero yung magagaan lang, yung mga ibang bagay sila na nagawa kasi buntis ako. Pero ang asawa ko, lahat ng sahod niya samin ng baby namin napupunta. Kausapin mo asawa mo, paliwanagan mo, pero kapag ayaw. Wala kang magagawa. Mas better uwi ka sainyo para less stress. Buntis ka pa naman.

Magbasa pa