Pagdating sa pagdidisiplina ng bata, sinong mas nasusunod: si Mommy o si Daddy? ?

256 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

both.., kc parehas kayong parent ng anak nyo.., kaya dapat iyon din talaga ang ipakita nyo sa anak nyo ..n pinagbuklod kayo para maging isa sa mga desisyon nyo sa buhay... mag usap kung pano nyo palalakihin mga anak .. magdate kayo ni hubby para mapag usapan nyo mga ayaw at gusto nyo.. para isa lng kayo... hindi nmn gawain ang pagdedisiplina.. kaya hindi nyo pwedeng itoka sa isa.. reponsibilidad nyo parehas ang iyong anak.

Magbasa pa

Sa amin po pareho eh.. kapag yung Ama ang nagdididsiplina sya lng po at di aq mkikialam..ang role ko ay ang kausapin ang anak ko at ipaliwanag sa kanya bkit napagalitan sya ng papa nya. Pagkatapos mismo ang anak ko ang kusang lalapit sa tatay nya dahil naipaunawa ko na. Yun na ung time na mg uusap sila mag-ama.. Maya maya mkikita ko nakahug na sa papa nya...okay na sila... at ganun din po sakin..

Magbasa pa

Pareho kayong may ibang istilo pagdating sa pagdidisiplina pero ikaw siympre nakiita mo naman kung tama ba o hindi ang pagdidisiplina ni daddy minsan nsosobrhan ksi lalo pag makulit. Kami kasing mag asawa kami pareho nagdidisiplina sa anak nmin pero mas may takot sia sa papa kesa sakin. Waht I mean ince na si papa naniya yung nagsasaway saknya sa mainahon naman na paraan sumusunud nmsiya..

Magbasa pa

Kailangan pareho po. Pero samin ng asawa ko ako ang disciplinarian. Maikli kasi pasensya ng asawa ko e. Pero kapag iniinitan ng ulo ng asawa ko anak namin pinapagalitan ko asawa ko. Dapat yung balance lang sa pagdisiplina at magsorry sa anak natin at iexplain bakit natin sila napagalitan o napalo.😊

VIP Member

Si Mommy Mas kilala ko Kasi ugali ng mga anak ko dahil Araw Araw ko silang kasama. Gabay lang Ang daddy Nila minsan kinakausap sila ng daddy Nila para sa Ibang pang dapat nilang malaman kung nakakabuti ba ito sa knila o Hindi.

We both are. Di pwedeng mommy lang at di pwedeng daddy lang. Kasi pag lenient ang isa at mahigpit naman ung isa iisipin ng bata na kontrabida ung mahigpit at lagi cya lalapit dun sa parent nya na oo lang ng oo sa kanya

VIP Member

preggy pa lang here, pero i think both po siguro pagdating sa pagdidisiplina.. para pantay lang po. kasi magkakaroon ng favoritism si baby between mom&dad kapag ung isa lang po sa parents ang nagdidisiplina..

Sa aming mag asawa, mas may bigat yung mga salita ng asawa ko. Mas sumusunod sa kanya ang anak ko, kapag sinabi nyang itigil na ang pag gamit ng tablet at itago na ito, agad sumusunod sa kanya ang anak ko.

in our case, strict ako at spoiled sya sa papa nya. pero once na nagsumbong ako sa papa nya, mas takot sya sa galit ng papa nya. balance lang kaya mabait si panganay ko na 6yrs old. 😊

Si Daddy! Kaya kapag hindi tumitigil sa ka-kulitan ang anak ko sasabihin ko lang na magagalit na si Daddy, tas yung asawa ko naman tititigan sya, ayun titigil din sya sa kakulitan nya.