Pagdating sa kusina, sino ba talaga ang master? Si mommy o si daddy?

106 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Masasabi kong ako kasi HRM grad ako so madaming alam na dish at cuisines, mahilig din sa baking passion ko talaga. Pero bilib ako sa Hubby ko, passion din nya cooking at baking, ayaw lang ng Mama nya mag HRM sya noon, pero magaling sya magluto at mag experiment ng food, madalas sya nagluluto sakin sinusurprise nya ko sa mga luto nya, pero same lang may expertise syang dish na mas masarap pag sya nagluto at meron din ako. Nag take sya Baking and Pastry. Pareho naming balak mag take ng Culinary arts soon 💟

Magbasa pa

Sa bahay kaming dalawa ng mister ko :) mahilig kasi kaming dalawa mag luto pero usually mas masarap sya mag luto kaysa sa akin kaya nag rerequest ako sa kanya lagi na sya magluto for us . Pero pag busy naman sya sa work i cook for them .I think both parties has the right since mag asawa naman kayo and para naman sa pamilya ang ginagawa why not :) Mas masaya pag nagtutulongan ang pamilya at nakikitang iniisip ang kapakanan ng isat isa kasi i believed ito ay bunga ng pagmamahalan .

Magbasa pa

Si mommy, kasi kapag si daddy na nagluto, di nya huhugasan pinagkalatan nya, si mommy pa din..haha. Pero pag si mommy ang nagluto, yung pinagkalatan ni mommy sya parin mismo maghuhugas tapos si daddy ayun kakain nalang.. hahaha

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-16631)

Sa bahay namin ay ang asawa ko. Sya ang in-charge kapag weekends akse required kami magluto ng masarap na food kase walang pasok. Pag weekedays, puro de lata or frozen goods lang kami.

si daddy. kaya sya lagi naluto lalo nung buntis ako kaso parang naglihi din umiba lasa ng luto nya nun. 😂 pero after naman bumalik ulit panlasa nya.

VIP Member

Si daddy/hubby. Hindi ako nakikielam sa kusina kasi mas mainam siya magluto kase nagwork siya sa mga fastfood dati nung kabataan nya pa. 😁

Nag concede na ko sa asawa ko noon pa man pag dating sa lutuan kase masarap talaga syang magluto lalo na ng pinoy at chinese foods.

c hubby 😭😭😭 sopas lang alam kong lutuin haha😅🤣🤣 di ko dn tlaga hilig magluto. mahilig lang kumain.🤣🤣👌

Sa case namin, si hubby. While I can cook, iba pa din ang timpla ni hubby. Kaya kapag weekends, siya ang incharge sa kusina.