Sleep Strategy

Paano nyo po ba pinapa tulog lo nyo, medyo mahirap kasi patulugin lo ko kahit naka dede na iiyak pa din. Hindi ba sa init ng panahon? Please help.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din ako mamsh nung una, normal kasi yun puyatan talaga. Saka bukod sa mainit panahon ngayon mamsh kahit gabi check mo rin buong katawan niya kung may kabag ba tiyan niya o baka may kagat o may makati sa katawan niya. Sa gabi din bago kami matulog nililinisan ko muna siya saka pinapalitan ko damit niya ng sando tapos diaper saka medyas lang suot nita sa gabi. Tas nung nagstart kami magkaron ni LO ko ng sleeping routine tumatagal na tulog niya sa gabi ng 3-5hours pero nagigising siya every 2hours para humingi dede tapos tulog ulit. Matutulog kami ng 10pm or minsan 12am tas gigising kami ng 5 or 6 in the morning tas papaaraw na deretso. Ipapaalam mo po sa kaniya yung differece ng umaga sa gabi dapat kapag umaga hanggang hapon maingay at maliwanag tas kapag gabi babawasan niyo na ingay tapos kapag matutulog naman na wala na dapat maingay at dim na yung ilaw. Tapos kapag alam kong alanganin na yung oras ng tulog niya at tulog parin siya ginigising ko siya pinupunasan ko mukha niya ng bulak na may warm water tapos pinapalitan ko ng damit tas kapag gising na siya di ko muna pinapadede agad kasi makakatulog ulit siya ng mahimbing ginagawa ko nilalaro ko muna siya o di kaya kinakausap ko siya tas ayun effective naman. Try mo mamsh sa LO mo ☺️

Magbasa pa

Routine gnagawa namin.. Start mga up 6pm or 7pm or paminsan pag dumidilim na yung paligid and umiiyak na sia na pagalit, ponapahot shower na namin siya.. After nun feed.. Then after feed nakakatulog na sia.. Umaabot na ng 6-8 hours tulog nia start ng 2nd month nia.. Sanayan mo po mommy.. Makikita mo siya pa yan magddemand sayo ankng oras gusto niang paliguan siya pag Sa gabi.. If sa umaga naman, pag magising na sia, painumin ng vitamins, play with them lang po.. Hanggang sa pag mapansin mo ayaw na nilang maglaro and umiiyak na.. Saka mo ichange ang diaper then feed then matutulog na yan agad (pero mga 1-2hours lng tulog ni baby sa umaga)

Magbasa pa
5y ago

Ay mommy, ebf po ba kayo? If ebf po, eat healthy foods kasi ngkakakabag parin si baby sa bf natin pag d tama ung pagkain like chocolates.. If formula naman, hanap tlg kayo yung hiyang na formula sakania po..

Nilalagay ko sya sa dibdib ko tapos unti unti ko na syang ibaba pero nakahiga sya sa braso ko hanggang sa pag mahimbing na talaga tulog nya, tatanggalin ko na braso ko. Delikado din daw kasi pag nakadapa ang baby at baka magka SIDS (Sudden infant death syndrome). Tapos dim light po pag gabi. Buong araw sya sa baba tapos aakyat lang kme pag sleeping time na para alam nya na pag inaakyat sya at nagdim lights na (lampshade na galing sa miniso lang 😅), sleeping time na yun. Pinupunasan ko din sya tuwing 5pm kasi napapansin ko pag nakakalimutan ko sya punasan, magmamaoy talaga sya sa madaling araw.

Magbasa pa

ako din hirap ngayon patulugin si lo ko,zombie na nga itsura ko😆😆😆may time naiiyak nako sa pagpapatulog saknya kasi tagal na ng gising niya ngayon,lalo na nagigising ng madaling araw umaga na tulog niya grabe. Pero sabi ng pedia ko naman,pag umaga kelangan gising si baby,pag gabi papatulugin na,patayin ung ilaw kelangan dim light lang para madistinguish nila yung gabi na kelangan matulog. Medyo effective naman ngayon sa lo ko. Hehe. Try mo un momshie. Para malaman niya gabi at umaga.

Magbasa pa
VIP Member

magbabago pa nmn yan mamsh wag ka lng mafrustrate sa pagpapatulog sknya hayaan nyo lng po sya kasi matutulog yan kung antok tlg sya hnapin m lng kung saan sya tatahan tas kausapin mo sya larularuin mo tas kung init na init sya punasan nyo po ako po kasi gnun gngwa ko pag ang active nya ngayon mejo kabisado ko n si lo bandang 6pm evryday pinupunasan ko na sya or depende kasi minsan tulog sya nun ..

Magbasa pa

Si lo ko po 1month and 26 days n xa pero ang tulog nya po sabay n sa tulog nmin sa gabi..umaga n po xa nggcng pero sa madaling araw po pinapadede ko p dn..sa gabi po hinahalfbath ko po xa then sando at pajama lng ang suot nya...then binubusog ko n po xa pra msarap ung tulog nya...10pm ang tulog nya gang umaga n po un...

Magbasa pa
5y ago

Hala tlga mamsh, naku ako di ako natutulog ng hanggang 4am or 5am kasi gising sya, ayoko naman umidlip idlip kasi mas lalo sumasakit ulo ko. Ang tulog ko na from 6am to 10 am pero di pa tuloy tuloy kasi maya maya sya dede.

Mas maganda po siguro kung after niya maligo dun siya patulugin. Para presko siya. Anak ko kasi pagkatapos maligo dun nakakatulog e. Gawin mo, paggising niya, aliwaliwin mo muna, tapos pahinga saka mo paliguan para madaling makatulog.

VIP Member

baka growth spurt po. usually sa stage na yan nagiging iyakin sila at di malaman ang gusto. mas maigi po ibigay ang gusto at laruin lagi. pag nkakita ng cues na inaantok better patulugin agad

baby ko po dinuyan ko 1mo ksi ang pag ibinaba sa hgaan nagigising agad nsanay sa buhat. pro ngyon 3mos na dede skin sbay tapik tapik nkktulog kht sa hgaan nmin ng ndi nag iiyak. iiyak lng sya pge poop

Ganyan tlga pg new born puyatan at pahirapan s pgpapatulog,baby ko kc nsanay s duyan srap ng tulog nya nung months old plng xa pro now 1 year n xa ntutulog nlng xa s lapag ng kusa pg antok n xa

5y ago

Hindi p pwed ung weeks old plng iduyan dpt months old n xa bgo duyan tiyagaan mu muna s pghele yn gnyan tlga pg new born sensitive