Sleep Strategy

Paano nyo po ba pinapa tulog lo nyo, medyo mahirap kasi patulugin lo ko kahit naka dede na iiyak pa din. Hindi ba sa init ng panahon? Please help.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din ako mamsh nung una, normal kasi yun puyatan talaga. Saka bukod sa mainit panahon ngayon mamsh kahit gabi check mo rin buong katawan niya kung may kabag ba tiyan niya o baka may kagat o may makati sa katawan niya. Sa gabi din bago kami matulog nililinisan ko muna siya saka pinapalitan ko damit niya ng sando tapos diaper saka medyas lang suot nita sa gabi. Tas nung nagstart kami magkaron ni LO ko ng sleeping routine tumatagal na tulog niya sa gabi ng 3-5hours pero nagigising siya every 2hours para humingi dede tapos tulog ulit. Matutulog kami ng 10pm or minsan 12am tas gigising kami ng 5 or 6 in the morning tas papaaraw na deretso. Ipapaalam mo po sa kaniya yung differece ng umaga sa gabi dapat kapag umaga hanggang hapon maingay at maliwanag tas kapag gabi babawasan niyo na ingay tapos kapag matutulog naman na wala na dapat maingay at dim na yung ilaw. Tapos kapag alam kong alanganin na yung oras ng tulog niya at tulog parin siya ginigising ko siya pinupunasan ko mukha niya ng bulak na may warm water tapos pinapalitan ko ng damit tas kapag gising na siya di ko muna pinapadede agad kasi makakatulog ulit siya ng mahimbing ginagawa ko nilalaro ko muna siya o di kaya kinakausap ko siya tas ayun effective naman. Try mo mamsh sa LO mo ☺️

Magbasa pa