390 Replies
Definitely yes. Sa isang lalaking only child, yung after graduate saka lang sya naging interested sa pag gigirlfriend at pagkakaron ng Pamilya, yung nasanay na sarili lang nya iniisip nya at yung mga wants nya.. At first na magkalive in kami nahirapan sya mag adjust samin although marunong talaga sya sa gawaing bahay (mas magaling pa sakin), nung una magkakababy na kami palaging motor nya pinagkakagastusan nya after non baby needs na yung budget nya. Di kasi ako nanghihingi sa kanya noon or kumukuha ng pera sa kanya palaging gastos ko lagi ko sya nililibre nung nagwowork ako. Nag resign ako saka ko nalaman na buntis ako kaya inisip nya responsibility nya.. Sobrang laki ng oagaadjust nya sakin from being Single na sanay sarili iniisip nya to Family na puro needs ko at namin ni Baby iniisip nya. Minsan ayaw ko uminom vitamins sya pa mamimilit bibili kami sa mercury minsan kasi iniisip ko gipit na sya kaya di na ko papabili ng vitamins, pero palagi syang may nakalaan na allowance para sa needs ko.. Masarap magkaron ng partner na responsible, faithful at selfless.. At syempre mapagmahal sa Family nya ❤
Ako 50/50. Mapagmahal sya sa anak namin (2y.o) tapos pag sahod nya di nya pinababayaan anak namin lalo na sa gatas diaper. Pag naubusan ng pangangailan ako or anak namin mabilis sya gumawa ng paraan. Nung una naming magkarelasyon sweet sya eh. Pero ngayon? Wala na halos syang pakelam sakin. Pag nag aaway kami, di na nya ko sinusuyo. Sya pa mas lalong galit. Buntis ako ngayon, di ko manlang narinig na nag aalala sya or sabihin na magpacheck up ako. Ni kamusta ako at si baby wala. Ni mag tanong if may gusto ba akong kainin or what. WALA! sabi ko nga bibili ako ng 10L na gallon ng baby namin, di manlang nya ko nasamahan saglit. Hinayaan nya lang ako kahit gabi na sa daan at mag bitbit ng ganung kabigat. Kahit pa na busy sya. Naiiyak ako ngayon mga sis 😢 di ko na sya dama. Alam mo yun, parang sa words nalang sya sweet pag okay kami.
super blessed sa asawa ko, lahat gingwa nya kht nuong wla pa kaming baby, super spoiled ako s lahat ng bagay kht d ko hinihingi binibigay nya,, pera, pgkain, regalo, di kami mayaman pro never ako pinagramutan ng mister ko,, never pinag awayan ang pera, good provider, wlang bisyo, di mabarkada, trabaho, bahay lang sya, minsan lumlbas ksma mga ktrbho d ko pinpigilan kc deserve nya din mkarelax at magksocial life,.. kht almost 7 yrs. bgo kmi nagkababy never naging isyu sknya ang d pagkkron ng anak,, never naghnap ng iba, ngyon nag kababy n kmi kppnganak ko pa sya nag-aalaga smin ng anak nmin mula s hospital gang mkauwe s bahay sya lahat luto, laba, alaga kay baby, cs kc ako kya d ko naasikaso agad ang anak nmin kaya mula nung d ko p kya kumilos sya lahat nag intindi s baby nmin,,hanggang skin alaga nya din
Yes SOBRANG SWERTE ko sa partner ko ngayon, kasi kahit nasa tummy pa si baby, lagi na niyang kinikiss, TAPOS MARUNONG pa SYANG Magluto, maglaba, maglinis ng bahay, lahat lahat kaya nyang gawin,.sobrang sweet pa nya, yung pag aalaga nya sakin sobrang sobra ❤ as in kaya sobrang swerte ko sa partner ko ngayon, kasi kahit may besyo sya, alam parin nya ang limitations nya as a father to his child. And Totoo nga yung sinabi nila, na kapag Koreano Yung makapartner mo, grabi yung sweetness and love.❤
Yes super.a single mom here, but hndi niya paki ang status q😊alam nia ang lahat s akin wlang nka tago s kanya kasi kilala na nia aq,but that time i didnt know him coz he is younger than me 8 years gap kasi kami friend kasi xa ng cousin q.now were living together for 2 years and were having a baby soon nxt year.and living happily.Thankful ako s God for giving me this man in my life.although i have bad experience from my past,now i am happy and contented wifey here😍
Hi sis, just want to share our situation for almost 2years. I'm a working Mom, househusband naman siya because of personal reason, walang mag aalaga kay toddler, he sacrificed for my career. Lucky ako kasi kahit he can't provide financially, never siyang naging sakit sa ulo. He do all household chores, pati sa pag aalaga. Halos wala na akong ginagawa sa bahay. Sa bait and buti ng asawa ko, nagawan ko siya ng FB page blog. 🥰
Kung sa pag aalaga, masasabi kong maswerte ako kasi di ako pinapabayaan ng partner ko kahit inis na inis na sya sa mama ko. Pero kung sa pagiging loyal, hindi kasi ilang beses ko na syang nahuling may kachat na ibang babae. Ang malala pa dun yung 1st ex gf nya. Di ko matanggap nun na pinalabas pa nya dun sa girl na hiwalay na kami. Kaya ayun si girl nakipagbalikan sa kumag. Sarap nilang pag umpugin to think na buntis pa ako nyan.
OO NA HINDI? HAHAHAHA alam naman nya na medyo maselan ako magbuntis, may internal bleeding, hatid sundo pa rin ako ng nakamotor, nagmomobile legends kahit namimilipit na ko sa sakit ng puson, inuuna mga tropa, kinakalimutan yung pinag usapan namin basta andyan mga bisita nya. pero nag eeffort naman, alam nya hilig kong kainin, alam kelan dapat iinom ng gamot, tagatimpla ng gatas, pero ayun lang. hanggang dun lang sya 😶🙃
yeah I can say mswerte ako. malambing, mabaet, responsible, loyal and he is so smart madame sya alam sa mga bagay bagay at matalino din sa math leche 😂. nabobo nq sknea minsan hahhaha may times din na parang bata mgisip pro hindi naman sobra but that's what I love about him ☺ and also he does not sugar coat esp if may mali ako but yeah kagaya nga ng sbe nya I am his missing other half 💕
napaka swerte ko. kase binata ang asawa ko. tanggap ako ng pamilya nya. kahit na may dalawang anak nako sa una. tinanggap nila ko ng buo tsaka mga bata. swerte ko talaga kase buong atensyon ng asawa ko sakin lang at sa mga anak ko at lalo ngayon sa baby boy namen expected nxtweek lalabas na. swerte ko kase buong sahod nya sakin nya binibigay. hiling ko nga na sana wag sya magbabago. ☺️😁
Anonymous