Hello po, ask ko lang baka may naka experience na sa toddler niyo nga ganito. Hindi ako masyadong worried kasi napaka lakas sa water ni toddler at super active, no signs of dehydration. March 9 nag start maging watery yung stool ni toddler (2yrs and 7mos). Pinag take siya ni Pedia ng Erceflora at EZinc. Pinalitan din milk baka daw kasi lactose intolerance from Nido Junior to Pediasure (chocolate at vanilla). Pina lab test na rin stool niya normal naman. Tumagal ng 1week hanggang sa naging ok. After a week, March 25 until now watery pa rin stool niya. Siguro nakaka 4x siya a day. Still no signs of dehydration. Ayaw ko naman siyang dalhin sa hospital. Bukas Sunday mag rerequest ako ng stool test ulit sa pedia niya. Hindi ako masyadong worried kasi super active ni toddler. Malakas lang talaga utot niya ngayon tas alam mo kaagad na matubig. Pasintabi sa mga kumakain. Salamat po. #advicepls #1stimemom #firstbaby
Read morePinagluluto pa rin ba kahit magkaaway?
Kahit mag kaaway kami ni #househusband, pinaghahandaan pa rin niya ako ng breakfast, meron din akong baon na food para sa work. 😂 Minsan yun ang worry ko 😂 na baka "who you ka sa akin ngayon" pag magkaaway kami. Haha buti na lang hindi, meron pa rin akong baon. Ginagawa pa rin niya yung routine niya. 🥰 #relationship #marriagelife #TheHousewithmyHusband
Read moreSinasamahan din ba kayo sa ME-TIME niyo?
7 years ago!! Nakita ko sa post ko, until now ganyan pa din siya kahit asawa ko na. ☺️ Kaway kaway sa husband/partner/boyfriend na matyagang hinihintay mag ME-TIME ang taong mahal nila. Yung may dalang extra gadget, powerbank para hindi mainip. Yung may dalang pagkain din para hindi magutom. Salamat sa mga katulad niyo! #househusband
Read moreGaano katagal ang tiklupin niyo?
Nakakaloka si #househusband wala pang 24hrs simula nung natapos yung paglalaba, nakapag plantsa at natiklop na yung mga damit. 😃 Sipag yarn?! Hindi ko lang ma-attach video eh.
Sinong mas magaling mag budget si Misis o si Mister?
Hindi ko kinahihiya na #househusband sobrang proud ako sa kanya, sa ginagawa niya para sa pamilya namin. Saludo ako sa tiga budget sa isang pamilya si misis man o si mister, hindi biro ang responsibility nila. Ang hirap kayang pagkasyahin ang kulang. Si mister ang naka toka sa pagba-budget sa amin. Wala naman akong napag aralan na dapat ang babae ang humahawak ng pera para sa isang pamilya. Ang napag aralan ko kung sino ang mas may kakayahang humawak, mas responsable, may control sa mag asawa yun ang pwedeng magbudget. Sweldo kahapon kaya nagbigay na ako ng ibabudget ng asawa ko kaya ayan busy na din siya sa pag aayos, pilit pinagkakasya. Ang pera ko pera din niya. Walang taguan ng pera na nangyayari sa amin. Bakit kailangan mag taguan ng pera sa mag asawa? 1. Gastador / Waldas Yung tipong alam na nga na kulang yung budget, panay gastos pa rin. Sige lang ng sige sa maisipang pag gastusan. 2. May bisyo Yung walang pera sa pagkain pero sa bisyo meron. Ang masaklap pati pang bisyo, ipangungutang. 3. Feeling mayaman Yung hindi naman kayang makipagsabayan sa iba pero ipipilit na makipagsabayan. Hindi naman ganyan asawa ko kaya walang dahilan para taguan ko siya ng pera. May access siya sa online banking ko, hinihingi ko opinion niya pag may gusto akong pag gastusan para masure ko kung worth it ba o hindi. Ina-update ko siya sa mga investment namin. Never naging issue samin ang pera. Parehas kaming may pagpapahalaga sa pera kaya hindi kami basta bastang gumagastos alam kasi naming pinaghihirapan at hindi pinupulot ang pera. ☺️ #UsapangPera #BuhayMayAsawa #PamilyaSagcal
Read more