☺️

Ano ung pinakamasakit na nasabi sa inyo ng asawa nyo?

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nako madami na, bastos magsalita lip ko. Masasabi ko na sobrang malas ko sa partner ko. Wala akong masabi. Sya ang honorable mention sa pinakakupal na lalaki. Parang di naturuan ng good manners ng magulang. Pero ibang iba sya sa mga kaibigan nya grabe galing nya magpanggap. Kala mo anghel ma bumaba sa lupa. Pero si satanas naman pag ako ang kasama. Minsan gusto kong sisihin magulang nya eh. Ugaling kanto at skwater. Di ko alam kung lahi ba nila dahil chinese. Di ko nilalahat ah. Pero ung patience nya napakaikli, mas may toyo pa sakin, napakadamot pa kahit sa pagkain, isusumbat pa sayo mga pinakain nya, kakain sya di marunong magalok, uubusin nya magisa. Kelangan sabihin ko pa lahat, napaka insensitive, sinabihan nya ko pabigat daw ako sakanya, nung may sakit ako sinamahan naman nya ko pero nung gumaling ako sabi nya wag ka na magkakasakit ah, baka daw istorbohin ko nanaman daw sya, sinabihan nya ko lawlaw daw dede ko, pangnanay daw katawan ko, pokpok, laspag, malandi daw ako kasi may mga kachat ako na guy friends ko at mga nagsesend ng heart sa selfie ko sa myday, pag nagaaway kami sasabihin nya gusto nya kong saksakin, gusto nya ko patayin, ang sarap daw sikuin ng mukha ko, sana daw nilason na lang nya ko nung sya gumagastos sakin at binibilhan ng pagkain , isasama nya daw ako pag nagpakamatay sya, sinisigawan nya ko, minumura, sinakal na nya din ako, niloko nya ko nung nabuntis ako, buntis ako ginugutom ako, ni wala man lang inabot pampa check up ko, nagaway kami sa kotse petty fight lang pero sinabunutan nya ko bigla dahil punong puno na daw sya sa attitude ko, aun gumanti ako ng sampung sapak sa mukha nya, aun nagkabukol si gago. Kala nya di ako papalag. sinabunutan ko din sya. Nagddrive sya eh takot sya mabangga kotse nya kaya di na sya pumalag. Pero kung pumalag man sya magkakapatayan talaga kami, di ako papayag na sya ang papatay sakin. Ngayon binabalik ko lahat ng masasakit na salita na sinabi nya sakin nung pabigat ako kasi wala akong work nun sobrang baba ng tingin nya sakin, nilalait nya lang ako, pag nagsasalita ako babarahin nya ko, tapos di makikinig. Puro sya I love you, sasabihin nya di nya kaya mawala ako everytime iiwan ko sya, pero iba ung actions nya, di love un eh. Ngayon lahaaaat ng ginawa nya sakin dati before lockdown binabalik ko sakanya ngayon. Nawala na din respeto at takot ko sakanya, ngayon may income ako sya naman wala, isang taon na syang tengga, tanggapin nya ngayon ang ganti ko. Sobrang punong puno ng galit puso ko wala ng natirang love as in. Inabuso nya pagiging soft ko dati. Gigil na gigil ako ngayon habang nagttype. Gustong gusto ko sya isumpa at itaga sa bato na never syang makakahanap ng true happiness. Fyi: lahat ng ex nya iniwan sya. 4mos lang pinakamatagal. Ako 2yrs kong tiniis ung ugali nyang sobrang kupal. Imagine. 😔 Wala pa kaming 1month sinigawan na nya ko sa mukha sa loob ng kotse, nagulat ako 1st time may sumigaw na lalaki sakin kaya namura ko sya, at aun si gago di kaya itago tunay na ugali, minura nya din ako.. Sorry super haba. Gusto ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko.

Magbasa pa
3y ago

I feel you momsh :)

"bilisan mo ah! may gagawin pa ko" not necessarily the words but the tone ska dun sa situation. 24hrs tayong duty bilang ina. nag paalam lng ako n dudumi at bantayan Ang anak niya, pero ito maririnig ko. masakit kasi pakiramdam ko alipin ako Ng sarili kong asawa at yaya lng ako Ng anak ko.. something that made me realize n I have to do something or else I'll endure this in my lifetime. dahil Hindi talaga ako matiisin by nature. I lashed out 😅 nakakatakot daw pla ko Pag galit.

Magbasa pa

malutong na mura "kupal" "basura ang ugali" diko alam bat nya nasasabi sakin yun.. lahat naman tinanggap ko, di ako tanggap ng pamilya okay lang..tahimik lang ako.. nagalit sakin pamilya ko kasi ayaw sa knya pro mas pinili ko sya ..kaso ganun pa pala kapalit sakin..never syang nakatikim ng salitang di maganda sakin kahit simpleng "tanga" wala syang narinig sakin.. tpos kung kailan buntis ako sa baby namin gnun sya. hirap ng walang ambag🙂

Magbasa pa
VIP Member

ampangit cuna dw😁😁 d kasi acu ng aaus since stay at home mommy lng acu .. edi cnagot cu sya sv cu " aba! bilhan mu acu ng pampaganda,ikaw mag alaga ki baby,ikaw ang mkipag sbyan ki baby magpuyat! buti ka nga kako pag dating mu galing work my pagkain kna,m22log k nlang e ako cmula pg gsing wla ng pahinga" edi aun ntahimik sya😁😁 d n nya inulit😂😂

Magbasa pa

O well Sabi niya nuon iiwan dw niya ako pag d n niya ako maintindihan.. Ang sagot ko: wag mong takotin ang mga babaeng Mas malaki pa ang sweldo kesa sa asawa.. Mbubuhay ako! Charot.. Ako din ang naguilty kasi dpt d ganun.. Hehehe so love lov3 love nag sorry din.. D mgnda..

VIP Member

well, wla pa na man syang nasasabing masakit kasi di na man tlga kasi kami nag.aaway .. meron di pagkakaintindihan pero, silent treatment ginagawa namin para di na makasakit. pero nagiging okay na man kami at the end of the day.

WLA n xa pkialam sken s kbila ng klgyan q n 3months preggy Kya eto aq gumgwa ng praan Kung saan aq mkhnap Ng murang pgaanakan..dko n rin kc mlman Kung normal or cs aq 9yrs old n ung cnundan..unexpected pregnancy po..

hindi pa ako handang magpakasal sayo .. hindi ka nga naging mabuting gf sa akin tapos gusto mo pa mahing asawa ? maging nabuting nanay ka nalang like wth ako pa di naging mabuti ? sa kabila ng sacrifices ko ?

Magbasa pa
3y ago

😭

noong di pa ako buntis ung pagmumura nya di mawala sa kanya..pero noong nagbuntis na ako nawala na un di na xa nagmumura..pag inaaway ko xa di nlang xa umiimik

Nambabae sya ulit non tas nahuli ko. 3 months preggy ako. Nung tinanong ko bakit nya ginawa, "nawala kasi sa isip ko na buntis ka". Hahahahahaha galeng! 😂