Paano kung nabalitaan mo na binato ng teacher ang anak mo sa school ng eraser . Ano ang gagawin mo ? Pedi bang sampahan ng kaso ang teacher na nakapanakit ?
Tanungin nyo po muna yung anak nyo kung anong reason kung bakit siya nabato or binato. Natamaan ba or pinatama lang somewhere para makuha yung attention nya. Get the full details baka naman po kasi may exaggeration din magkwento ang bata. Before ka pumunta sa school, siguraduhin mo po munang nakausap mo ang bata ng masinsinan at kausapin ng mahinahon, ang bata kasi may tendency i-twist ang story kapag alam nilang galit na yung parents nila at sila yung mapapagalitan, nadadala sila ng takot. May mga batang ding ibang-iba ang behavior na pinapakita sa magulang at sa school. Pano ko nalaman? Teacher ako mismo at may mga ganyan akong students, kaibahan lang teenager na sila pero nung nag-aaral ako may ganyan akong kaklase, tahimik sa bahay pero pagdating sa school sobrang pasaway. Daain nyo po sa diplomasya for sure kung guilty naman yung teacher sya yung magpapakumbaba sa inyo at ieexplain nya sa inyo yung nangyari. Pero maging lesson din yan sa part nyo na disiplinahin ang bata sa bahay palang para hindi maging sakit ng ulo sa eskwelahan. Teacher ang in charge sa pag enculcate ng knowledge sa bata pero pagdating sa disiplina, role nyo po yan bilang magulang. Taga-gabay nalang ang teacher sa loob ng klase bilang 2nd parent. Mas magandang makausap nyo po yung teacher bago kayo gumawa ng aksyon na ilapit sa mas nakatataas. Bilang magulang natural lang naman na protective tayo sa anak natin pero dapat wag po tayong maging one-sided lalo na sa mga ganyang situation. Also, mas magandang palakihin ang bata na may accountability sa lahat ng actions nya at ituro yun at an early age, lahat ng actions may consequences(good and bad)nasa side nyo man o hindi.
Magbasa paSa panahon ngayon iba na po di napo tayo 19's noon po ang pilit na binubuksan niyo na noon binato kayo kaya ngayon nakapa tino niyo yes when I was in grade six kinurot ako ng guro ko w/o knowing or asking me kung bakit ba ako napatayo sa upuan ko during our lesson kaya na distract siya pero hindi niya alam inaasar ako ng kaklase ko at tinutusok ako ng walis tingting sa upuan ko fcourse nagulat ako kaya nagulat ako then kinurot niyako isang scenario nalang yan ng teacher na di inaalam ang nangyari pero ikaw bilang may mali ang guro magsususmbong ka pero ikaw na magulang hindi ka kuna kakampe sa anak mo kasi aalamin mopa ang sasabihin ng guro and then napatunayan na mali ang guro dun tayo magreact kung ano ang tamang gawin. Kasi iba napo ngayun kapag napahiya tayo anjan na ang social media andiyan na ang mga kaklase na paguusapan ka can cause depression sa isang bata YES! DEPRESSION gets niyo ba? Iba ang Noon At Ngayon iba na ang takbo ng mundo ngayun I remember this child na nagpakamatay kasi nahiya siya at pinagusapan siya ng mga kaklase at maraming ng nakaka alam akala ng nanay pumapasok kasi umaalis ng bahay na uniporme at maayos pero one day nalaman nalang niya nagpakamatay ang bata sa kahihiyan kase pinahiya ng guro kesyo daw kase ang daldal di nakikinig at boba pataasan muna ang grado bago daw mag bf tjough this kids is not honor pero napakagaling niya excel din siya sa school napag initan lang daw ng guro! So see? Madaming pwedeng mangyari sa panahon ngayon !
Magbasa paMag usap muna kayo mommy sa principal's office. May batas na bawal manakit ang mga guro, sa ganyan nirerequire sila magpaliwanag. Teacher ang nanay ko at alam ko ang patakaran nila, dati may hawak hawak pa yang stick sa classroom pamalo ng students niya pero magmula nung may lumabas na batas na bawal sila manakit, tinanggal niya yun at high tolerance sa ugali ng bata as much as possible to the point na stand facing the wall na lang punishment ng bata sa tabi ng desk niya. Pumunta kayo ng principal's office and demand an explanation kung bakit kailangan humantong sa pamamato. Karapatan niyo yan bilang magulang. At wag kayo makikinig dito sa mga nagcocomment. Iba iba kayo ng pagpapalaki sa anak niyo at kung alam mong pinalaki mo naman ng maayos ang anak mo, alam mong wala yang kasalanan. Karapatan mong tanunging ang teacher, "Bakit kailangan mong batuhin ng eraser ang anak ko? Pwede namang patayuin mo na lang at wag mong pauupuin kung nagkukulit." Dyan kasi nagsisimula ang inferiority complex mommy. Kapag napapag-initan ng guro ng hindi naman malala ang ginagawa ng bata. Kaya nga may MAXIMUM TOLERANCE sila. Kung di kaya macontrol, hatakin sa guidance office. Hindi po dapat humantong sa pananakit.
Magbasa paAsk nyo po siguro muna what happened. Kasi baka yung teacher rin na nambato sa inyo ay old teacher na. They are used to the way they teach before. May generation gap pa. And check nyo rin kung millennial teacher ba kasi dapat alam nya kung paano ihandle ang bata. And try to ask what happened. At if you want to sue the teacher, pero alam mo namang may kasalanan din yung anak mo, disiplinahin mo rin yung anak mo. Kasi baka may mali talaga yung anak mo. Pero mali rin yung teacher na nambato sya. At consider na marami syang handle na bata. Hindi lang anak mo. Pano pa kung makulit na yung anak mo, kasing kulit pa nya lahat? Baka ikaw sumuko ka mismo sa anak mo palang. Kasi ang academic lessons, natuturo yan ng teacher. Pero ang values, sa bahay yan nakukuha. At bilang isang magulang, obligasyon mo yun. Kasi dadalhin ng bata sa school ang values na nakukuha nya sa bahay. Learn to discern mommy. Look at both sides. Always. Ikaw din. Pag kinampihan mo lang yung anak mo kahit alam mo nang may mali sya, sya rin yung masasanay kasi kinakampihan mo. Your baby will not learn his/her life lessons pag ganun. God bless!
Magbasa paKnow the whole story muna. Report din sa admin ng school para aware sila. Teacher yung kapatid ko sa isang private school and mahirap daw talaga mag turo and magbantay sa mga bata at the same time. Iba ibang level ang kakulitan ng kids kasi they try to test kung ano ano ang kaya nilang gawin, na minsan umaabot sa nakakasakit na yung bata. May case na nakasira ng tv yung bata dahil sa kakulitan. Ang ginawa ng kapatid ko tinawagan nya yung parent tungkol sa nangyari then report sa admin. Doon nag usap sila kung anong gagawin, need bayaran ng magulang yung nasira ng anak nya. Pero pag uwi ng kapatid ko, tumawag yung parent at sinasabi na kapabayaan daw mismo ng teacher yung nangyari. Hindi daw kaya ihandle ang bata na dapat di na daw sya nag teacher. Hinayaan lang ng kapatid ko kasi pag pinatulan nya pa, mawawalan sya ng work. Kahit anong disiplina ng teacher sa mga student nya, kung may magtotolerate sa mga bata wala ring mangyayaring maganda. Oo naguumpisa talaga ang disiplina sa bahay, pero iba ang disiplina sa labas ng bahay.
Magbasa paHi mommies! I think hindi natin dapat ibash/ijudge yung mommy ng bata just because you are teachers. If you were to put in her position, I'm not sure kung matutuwa kayo. Kids are kids. You should be aware of that and dapat mahaba ang patience niyo dahil teachers kayo. There are proper ways to teach and disciple a child. Hindi yung mananakit o mang dedegrade kayo ng bata. Yes may batas na nga e. Kaya dapat mas maging cautious kayo. Not because you are a teacher doesn't mean that you have a right to hurt your students. Mali po yun. And for the mommy/teacher na nagsabi na "pasalamat pa daw dahil tinuturuan yung anak" ma'am, if that's your way of teaching a child maybe you don't deserve to be a teacher at all. Dahil UNA SA LAHAT, binabayaran kayo para MAGTURO at hindi para manakit at mamahiya ng students so basically hindi utang na loob ng mga magulang na turuan mo ang students mo :) Just saying.
Magbasa paKami nga tinatapon pa mga libro sa bintana eh. Kasi nag iiwan ng libro mga estudyante. Pinapalo pa ng ruler ang kamay kasi di nag gugupit ng kuko. Pinapataas yung dalawang kamay ng matagal dahil maingay. Te lahat may reason. Mamaya makulit anak mo. Pero pagdating sa bahay hindi. Naiiba kasi ugali pagdating sa school. Minsan nga bully sila pero sa bahay nasa kwarto lang sila lagi tahimik. Nagets mo ba yung point ko? Kausapin mo muna yung teacher. Samin di uso kakasuhan. Kausapin mo teacher. Pagnaulit sa principal na. Para sila bahala magparusa. Kung saakin mangyare yang ganyan kausapin ko teacher tas kapag nalaman ko mali anak ko. Kakausapin ko ung anak ko. Ako magdidisplina sa bahay. Ngayon pa nga lang dinidisiplina ko na eh. Kapag nagtatantrums nilalagay ko sa sulok. Di siya aalis dun hanggang sa tumigil siya. Sana magstart sa bahay ang pagdidisiplina. Kasi ang school pangalawa lang..
Magbasa paAsk your kid and the teacher if ano nangyari mommy. Kalma ka lang muna try to understand without being subjective. Problema kasi sa mga parents ngayon sobra subjective kahit MALI ANG ANAK PARA SAKANILA TAMA PARIN kaya marami nang mga bata ngayong sorry pero walang galang. I'm not saying na tama ung ginawa ng teacher pero you should weigh the situation first. Talk to the teacher, then if di siya 'sincere' or nag yayabang then go to the principal. Hindi naman kailangan lahat idadaan natin sa demanda mommy. And by the way, hindi porket mabait ang bata sa bahay, mabait na rin siya sa school. How do I know? I was a teacher before never ako nanakit ng bata tho kasi that's a big no no and marami na ko naencounter na students na iba ugali sa bahay and sa school mismong mga magulang nila nakaka realize non at nag sasabi sakin.
Magbasa paI'm a teacher i suggest na tanungin nyo po muna kung ano talaga ung nangyare. Mas ok po kung tanungin nyo ng diretso ang anak nyo then tanungin nyo si teacher nya kung bakit may batuhan ng eraser ang naganap? Then ask po kayo sa mga classmates nya before you take actions po. Ako kasi nung high school ako nabato ako ng eraser ng teacher ko kasi d ako nakikinig 😁😁 may mga classmates din akong nabato ng eraser kasi pasaway sa klase. Much better po talaga na kausapin muna si teacher. After that tsaka po kayo gumawa ng nxt move. Kung guilty si teacher at inosente ang anak nyo po then its up to you kung sa principal magsusumbong or may kasunduan kayo ni teacher na pag naulit pa kayo po bahala. Kung hindi naman guilty sa teacher at talagang may kasalanan si anak nyo po better po kausapin nyo ang anak nyo. Just my opinion po
Magbasa paSampahan agad sis di ka muna mag'tatanong isa pa'eraser lang nman yon. Kami nga noong bata pa ako si mama ko pa mismo nag sabi sa teacher ko na pag'magulo ako paluin lang ako ng teacher ko para matuto at di tumigas ulo ko. Kung wala namang pasa anak natinI think di natin kailangan umabot sa kaso-kaso. Parang yong lola lang nagreklamo sa tulfo kasi pinalabas ng upuan ang apo nya. Anyari kasalanan din pala ng apo. Tapos pinapatanggalan ng lisensya ni tulfo yong teacher di ni'bash siya. Huwag padalos-dalos sis tayo nga na iisa lang bantay natin umiinit ulo natin lalo na kung pasaway at matigas ang ulo kamusta sa teacher na ang daming bata ang kailangan nya turuan tapos mga pasaway pa. Hindi porket trabaho nila yan at sumasahod sila intindihin mo din klagayan ng mga teacher sis.
Magbasa pa
a mom like you