Paano kung nabalitaan mo na binato ng teacher ang anak mo sa school ng eraser . Ano ang gagawin mo ? Pedi bang sampahan ng kaso ang teacher na nakapanakit ?

77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ask your kid and the teacher if ano nangyari mommy. Kalma ka lang muna try to understand without being subjective. Problema kasi sa mga parents ngayon sobra subjective kahit MALI ANG ANAK PARA SAKANILA TAMA PARIN kaya marami nang mga bata ngayong sorry pero walang galang. I'm not saying na tama ung ginawa ng teacher pero you should weigh the situation first. Talk to the teacher, then if di siya 'sincere' or nag yayabang then go to the principal. Hindi naman kailangan lahat idadaan natin sa demanda mommy. And by the way, hindi porket mabait ang bata sa bahay, mabait na rin siya sa school. How do I know? I was a teacher before never ako nanakit ng bata tho kasi that's a big no no and marami na ko naencounter na students na iba ugali sa bahay and sa school mismong mga magulang nila nakaka realize non at nag sasabi sakin.

Magbasa pa