Paano kung nabalitaan mo na binato ng teacher ang anak mo sa school ng eraser . Ano ang gagawin mo ? Pedi bang sampahan ng kaso ang teacher na nakapanakit ?
Nung bata pa ko, nabato ko ng eraser ng teacher ko kasi akala niya ako yung maingay sa klase. Wala namang ginawa nanay ko 😅 pero kung ako kasi yung nanay ko, kakausapin ko ung teacher and ask if may issue sa behavior ng anak ko for her or him to do that. Di ko na palalakihin pa yung issue kasi nga naman sa dami ng iniintindi ng teacher na bata, darating talaga mga times na di na nila kaya magpasensya. Baka kasi sadyang matigas ang ulo ng bata. Sa panahon ngayon, ang OA ng magulang eh. Minsan kapag natapik lang ang bata, sasabihin pinalo na agad. Kayo kaya maging teacher at magbantay ng 100+ na bata araw araw haha. Ang maganda asal ay nagsisimula sa bahay. Ang unang dapat magdisiplina ay magulang. 😁
Magbasa paSana po before ka magsampa ng kaso, know her/his side of story muna. Mahirap na magpadala sa emosyon kse you are no different sa teacher na nanakit sa anak mo kung di mo muna iaassess ang pangyayari. I am also a teacher, pero never ko sinaktan students ko.. But honestly, there are times that I really want to discipline them the hard way. Meron kse talagang mga bata na nakakapatid ng pisi (not saying na ganun ang anak mo) the point is, tao ako, tao sya, tao ka. She/he makes mistakes... Pero as a logical being, dapat ikaw hindi maging one sided. Pag nalaman po na unreasonable talaga ang nagawa nya, then and only then, pwede ka na mag apply ng lawsuit against her/him. Be the bigger person.
Magbasa paIba na ngayon. Hindi na applicable ang pananakit sa bata as a sign of discipline. Yung anak ko napansin ko pag mas lalo ko napapalo mas tumitigas ang ulo, nung sinubukan kong utuin at huwag saktan saka pa bumait. Hindi solusyon ang pananakit para madisiplina ang bata. Madaming paraan diyan para madisiplina ang bata ng hindi nananakit o namamahiya. Bakit naman yung pamangkin ko lumaking mabuting bata at magalang kahit hindi laging napapalo ng magulang nya. Iba iba siguro tayo ng pananaw kaya wag ng magaway away pa. Meron pa kong mabasa sa baba na madedepress daw ang bata at magpapakamatay pag hindi dinisiplina. Wtf? Madadaan naman yan sa mabuting explanation o usapan hindi yung laging nakapalo ng nakapalo sa bata
Magbasa pawala ahahah. nabato din naman ako dati pero di sadya kasi nasa likod ko ung maingay tapos matangkad ako edi sa ulo ko tumama. sa sobrang maldita ko di ko pinaabot sa harap ko ung eraser binato ko pabalik pero sa blackboard ko pinatama. nananahimik ako eh paliliguan ako ng chalk powder🙄 ahahahaha elementary daaaaaayyysss. nakakamiss din pala😅 meron pa dati pinadugo ko nguso ng kaklase ko wala din naman ginawa sakin ung nanay ahaha. pero alamin mo muna nangyare mommy baka naman kasalanan din ng anak mo. pero sakin wala ako kasalanan wala naman ginawa nanay tatay ko tinawanan pa ako sa unahan daw kasi ako umupo para di ako tamaan ng mga lumilipad ahahaha.
Magbasa paUnang gagawin ko? Tatanungin ko ang anak ko ano nangyari then kakausapin kodin ang guro na kaharapang namamahala sa paaralan, baka mag init ulo ko e😔 kilala ko kasi anak ko hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang ikakagalit namin ng papa niya pero kung alam kong mali naman ang ginawa niya talaga papagalitan kosiya pero kung simple lang na di siya nakikinig during lesson maybe hindi tama dipende parin sa kung anong dahilan kung bakit nabato pero for me hindi talaga ginagawa ng guro yun me as a teacher too, hindi ko hilig gawin ang bagay na pwedeng ika trauma ng isang bata o ikapapahiya niya sa loob ng klase. Remember bata sila.
Magbasa paBakit daw binato? Dati ksi sa amin sa probinsya nung elem kami may ganyan din case teacher ko binato nya ng eraser yung klasmeyt kong boy ksi sobrang likot hindi nagpapa saway kahit naka ilang saway na yung teacher kaya ayun nang gigil sa kanya nabato sya ng eraser kaso natama sa gilid ng mata nya kya namaga grade 2 kami nun. Pinata wag ng principal yung parents at si teacher nagka ayos din nman cla ksi aminado yung parents matigas daw ulo ng anak nya at malikot pro wag nman daw saktan ng ganun ksi pano kung nabulag kya humingi din pasensya si teacher at sinagot yung pa gamot nung bata
Magbasa paI'm a teacher at hindi naman gagawin ng teacher yon kung hindi pasaway ang anak mo. Mas mabuting kausapin mo ang anak mo or mag punta ka sa principals office at don kausapin mo ang teacher kung ano ba talaga ang nangyari. May batas para sa bata na hindi dapat sasaktan ang estudyante, kaya lumalaki ulo at nagiging pasaway mga bata ngayon hays. Hirap sa mga magulang ngayon puro reklamo sa teacher, mag pasalamat nga kayo at natuturuan ng leksyon ang anak nyo. I'm sure mas malala pa naranasan natin noon sa teacher natin nung nag aaral pa tayo.
Magbasa paTrue! Ako nga nabato din ng eraser kht d ko alam kung bkt. Pero d ako nagsumbong. Ngaun natatawa nlng ako pag naalala ko yun. Mga magulang kc ngaun OA PROTECTIVE sa mga anak (D KO PO NILALAHAT) kaya nagiging maarte ang mga anak. Naranasan ko din mapalo ung kamay kase mahaba kuko ko sa kamay 😂
It depends po sa situation. Better ask the teacher first what happened baka may nagawang mali yung bata. And ask also your child what really happened. Mapapansin naman natin sa mga anak natin kung nagsisinungaling ba sila o hindi. Some of the students kasi na walang respeto o binabastos ang teacher. Wag po kayong susugod sa iskul na may galit at lalo na kung nakikita pa ito ng anak mo. Tandaan po natin na ibang iba na ang mga ugali ng mga bata ngayon at lalo pang lumalaki ang ulo nila kung kinukunsinti nating mga magulang. 😊
Magbasa pasiguro sa ngayon kelangan ko muna alamin kung ano pinagmulan, baka kase mmya kasalanan pla ng anak ko, kausapin ko nlang anak ko then ung teacher nia na wag na siguro manakit kase pede siya mawalan ng lisensya e. Pero kung uulitin niya ule na saktan anak ko kahit kasalanan pa ng anak ko, baka idemanda ko sia hahaha Kase di ako naniniwala na kelangan saktan ang bata para tumino. Sa ibang bansa hanga ako s mga teachers don, sobrang haba ng pasensya.. Kahit bastus bastusin o mura murahin sila ng mga estudyante nla walang nananakit.
Magbasa paWell for me lang ha, if ever na magkulang ako sa pagdidisiplina sa anak ko. Walang problema sakin kahit paluin pa ng teacher ang anak ko. Kailangan kasi magsimula satin ang maayos na pagdidisiplina para hindi na yun gawin ng ibang tao sa anak natin. Wag sana natin i-spoil ang mga bata. At wag lang yung ginawa ng teacher ang tignan natin. Hindi po mananakit ang kahit sino lalo na ang isang Professional na teacher ng walang dahilan. Wag po sana tayong one-sided. Just saying.
Magbasa paTrue. Pag kasi inispoil ang bata, tayo din lang mahihirapan pagtanda nila.