Paano kung nabalitaan mo na binato ng teacher ang anak mo sa school ng eraser . Ano ang gagawin mo ? Pedi bang sampahan ng kaso ang teacher na nakapanakit ?

77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ask nyo po siguro muna what happened. Kasi baka yung teacher rin na nambato sa inyo ay old teacher na. They are used to the way they teach before. May generation gap pa. And check nyo rin kung millennial teacher ba kasi dapat alam nya kung paano ihandle ang bata. And try to ask what happened. At if you want to sue the teacher, pero alam mo namang may kasalanan din yung anak mo, disiplinahin mo rin yung anak mo. Kasi baka may mali talaga yung anak mo. Pero mali rin yung teacher na nambato sya. At consider na marami syang handle na bata. Hindi lang anak mo. Pano pa kung makulit na yung anak mo, kasing kulit pa nya lahat? Baka ikaw sumuko ka mismo sa anak mo palang. Kasi ang academic lessons, natuturo yan ng teacher. Pero ang values, sa bahay yan nakukuha. At bilang isang magulang, obligasyon mo yun. Kasi dadalhin ng bata sa school ang values na nakukuha nya sa bahay. Learn to discern mommy. Look at both sides. Always. Ikaw din. Pag kinampihan mo lang yung anak mo kahit alam mo nang may mali sya, sya rin yung masasanay kasi kinakampihan mo. Your baby will not learn his/her life lessons pag ganun. God bless!

Magbasa pa