Money money money
Pa- rant po dahil nabbwisit na ko sa partner ko. Kakakuha ko lang ng mat ben ko, eto ngayong bf ko naging kampante kasi may nakahanda na agad pera sa panganganak ko. Parang lahat ng gastos gusto niya dun kukuhain, gusto niya worth 20k ang ilalaan sa grocery sa kanila dahil dun namin balak mag stay muna kasi may mga aso sa amin, nainis sya nung sinabi ko sa kanya na hindi namin uubusin sa groceries un, tapos gusto pa ng nanay niya na siya nalang ang bayaran namin ng 5k a month instead na kumuha ng katulong para mag alaga kay baby pag balik ko sa work. Sakin ok lang naman na mag abot sa nanay niya paminsan minsan. Pero ung mag papabayad ka pa para alagaan ang unang apo mo, parang nakakatawa naman yun. Sila nga nag insist na dun kami tumira sa kanila pansamantala para makaipon pero feeling ko hindi mangyayari un. Sinabi ko sa bf ko na sana maghati kami sa hospital bills para di naman agad ubos tong nakuha ko, pero prang wala lang sya narinig, sa totoo lang lahat ng gamit ni babay ngayon skonst nanay ko nagpundar, kahit isang pirasong lampin hindi pa niya naibibili si baby, ung pangako niyang crib hanggang ngayon pangako pa rin manganganak na ko sa feb 1. Alam ko may pera sya. Pero tinitipid nia kami mag ina.
Ano ba namang klaseng ama yang bf mo sis. Sorry ha? Pero kc nkakainis! Parang ayaw niya mamroblema sa lahat. Parang gusto niya petiks lang, na porket may makukuha kang matben dun na niya iaasa?? Unang una hindi dapat xa ang mag dedecide kung anong gagawin sa matben dahil hindi naman sakanya yun, hindi nkapangalan sakanya at hindi xa ang buntis! Sayo yun at sa baby mo! Di dpat niya pinapakialamanan yun at wag ka niyang diktahan kung san dapat gamitin yun! Pangalawa, xa ang ama! Lahat ng gastos, hospital bills, bilihin dapat sagot niya! Kasi nga AMA na xa! Di xa pwede umasa! At yung byenan mo nkakagigil ng very light! 🙄 Apo ba turing niya jan sa baby mo o ibang tao???? Bat pa xa magpapabayad sa pag aalaga??? Kung gusto niya pala ng ganun sa iba nlng xa mamasukan at mag alaga ng bata at least alam nting di niya kaano ano yun at may karapatan xang swelduhan pero sa apo niya??????? Hello?! APO niya?! Tsk! Sarap kurutin sa singit cla mag ina 🙄😅 Yung sa matben mo sis wag mo sundin bf mo. Itabi mo yun para sa inyo ng baby mo. Ideposit mo ng di niya mapakialamanan. Paghanapin mo xa ng ipanggagastos niyo sa lahat! Pagawin mo xa ng paraan. Kausapin mo nlng dn kung ayaw makinig kurutin mo sa singit. ✌️😁 Wag na mstress sis mkakasama satin yan.
Magbasa paWag ka pumayag dun tumira sa kanila momsh .. baka binat abutin mo kakaisip! At napaka walang bayag ng asawa mo para iasa sayo lahat, pati yung biyenan mo na nagpapabayad! Jusko neng 1st apo pa yan .. wag mo stressin sarili mo at wag mo na asahan yang bf mong walang bayag! Sorry for the word pero sobrang kapal mukha nila! Ako bf ko halos wala akong gastos kahit piso dahil wala akong work at ayaw nya na magwork ako, wala din gastos mga biyenan at magulang ko! Dahil katuwiran nya sya may gawa neto kaya sya din gagawa paraan para mabuhay nya kame! Even di ko ganon kasundo/kaclose magulang nya dahil may sarili talaga akong mundo , hindi ako pinapabyaan mga biyenan ko lalo na sa pagkain! Lageng may sabaw ulam kahit reklamo na ibang kapatid hubby ko !
Magbasa paSabi ng BF ko saken ung makukuha kong pera sa MetBen saken lang daw personal savings ko kasi total ako naman nagwork nun. Kasi sya magbabayad ng lahat ng gastos namin ng baby. I cant imagine my self if ganyan gawin nya samin ng baby ko. Anyways ang mama ko sa dalwang apo nya never nagpabayad kahit makulit, Mama ko pa nga nagbibigay ng kung ano sa mga pamangkin ko for sure. At ang in law ko din nagbibigay pa ng pera saken. Nag usap kmi mg bf ko na never titira sa bahay nila kahit ba gusto ng family nya ayw ko kaya makisama joh gusto ko ako lng señorita sa bahay namin. I hope magbago po si Mr.nyo,wag ka na mastress kasi bad kay baby. Godbless po!
Magbasa paTry to talk kay boyfriend po. Dapat matagal na napagusapan nyo na paano ang gastos at kung san man kayo titira. Kung manganganak ka mas mainam pa rin na nasa mama mo ikaw. Mas maasikaso ka doon. Dun naman sa mama na lang niya ang bayaran ng 5k, dapat lang naman. Di mo po ba alam gano kahirap magalaga ng baby? Ipagkakatiwala mo po ba baby mo sa ibang tao kesa sa magulang niya? Alam mo ba na para kang itinali sa bahay pag nagaalaga ka ng baby. Kahit nanay ko pa magalaga babayaran ko pa rin siya kumbaga bonus na kang niya sa pagaalaga.
Magbasa paSabihin mo po yan sa sarili mo kapag may anak ka na tapos pinabantayan sayo yung apo mo. Ni matulog maligo umihi dmo magawa sa oras na gusto mo kasi kailangan mo siya bantayan kahit tulog siya. Ako di ko po matitiis na magalaga nanay ko ng magiging anak ko na wala man lang siyang matatanggap kahit na magkano galing samin ng asawa ko. Makakapagtrabaho ka po ba ng panatag na nasa ibang kamay anak mo? Andami ngayon nababalita kinikidnap anak, sinasaktan, tinatangay, iniiwan lang, ninanakawan lang. Kahit swelduhan mo ng 5k kulang na kulang yon sa pagaalaga ng anak mo po. Before ranting about everything here po talk to your boyfriend po. Let your family take care of you and your baby para wala ka pong gastos
Nako! Yung kalahati ng nakuha ko sa matben ko nung jan 15 hanggang ngayon nkatabi pa din di nmin gingalaw ni hubby dahil nakalaan yun sa panganganak ko. Wag nyo po pakinggan si hubby nyo di porque may pera go lng ng go. May cravings pa din taung mga buntis kahit papano kaya masisimot kau pag si hubby nyo nag manipulate ng pera. Buti saamin ni hubby nung nagwowork ako order lng ng order sa lazada o shopee kahit pakonti konti. Ngayon ready n lahat ng gamit ni baby sya nlng kulang. Mahirap talaga pag pera eh.
Magbasa paOkay lng magbgay pero byad? Ndi nman ata tama un, apo nya yan e. Tska bkit nkaasa sya sa pera mo eh sya ung lalaki,which is sya ung provider. Smen ng partner ko sya lhat ngastos. Magssbi lng ako sknya then ggwan nya ng paraan,kc simula't sapol bago ako mag buntis cnbi ko n sknya un n kung gusto nya n mag kaanak dpat hnda sya emotional at financial. Tska nkabukod kami, ayaw ko kc nppkailaman ako. Wag k tumira sknila,bka pag mulan p yan ng mis understanding nyong mag partner. Syempre nanay nya yan
Magbasa paadvice lang po, choice nyo naman po if kukunin nyo yung byenan mo to look after your child. actually it's not their responsibility na kaya hindi na big deal yung 5k na yon, and also I think mas magiging kampante kayo if family member nyo din kukunin nyo na kasama ni baby. ang gawin nyo nalang po is lahat ng gastusin need nyo paghatian ni mister. wag po kayo pumayag na kayo ang sasagot lahat since responsibilidad nyo yun both.
Magbasa paMahirap pag awayan ang pera.. 🤔 magtira ka ng emergency fund niyo, wag na wag mo yun gagalawin.. at wag naman iubos ung 20k sa grocery.. magset kayo ng budget kung magkano ang pang monthly expenses nyo, dyan lang dapat nakalimit ang pera niyo.. hndi yung parang buwan buwan may mat ben kang nakukuha.. at bakit naman mgpapabayad pa ang mother in law sa pag aalaga 😅 kayong magbf na ang mkakapagdecide jan..
Magbasa pahalos ganyan asawa ko nung buntis ako. ,🤣 ako lahat bumili ng gamit ni baby. at obvious na nakaasa sa mat ben. kaya kahit alam kong ayaw ng family ko, nanindigan ako na sa public hospital manganak kasi gusto ko ung matben para kay baby lang talaga. awa ng Diyos, oks kme ni baby. CS pa ako. dito kami samen naun nakatira kahit may aso. ung aso nalang nagaadjust. hehe kaso minsan nakakaworry din mga balahibo.
Magbasa paSana mag adjust din yung mga aso namin heheheh
Dun kayo sainyo mamsh. Wag na sakanila. Ano man lang ba yung asikasuhin ka muna at saka na isipin yang mga ganyang bagay. Tsaka kung ako yan, kahit may mat ben ako yung tatay ng baby ko nagbayad. Kasi talagang beast mode ako sakanya na bat sakin nanaman. Ako na nga namili ng mga gamit tapos sakin parin yung sa hospital. Ayun. Siya na gumastos ng halos lahat simula nanganak ako.
Magbasa pa