Long rant!!!!
Mga Momsh, hear me out, medyo mahaba. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Akala ko pa naman na magiging okay ang lahat nung sinabi ng mom ng partner ko na hindi sila makikialam sa mga desisyon namin dahil matatanda na kami. 30 ako 34 si partner. Both working, naka leave lang ako ngayon. Due date ko is Feb 24. Nung una, napagkasunduan namin ni partner na kukuha kami ng kahit maliit na rent to own na bahay, mag loan kami sa pagibig. Okay naman sa nanay ko, sa magulang niya. Pero last Oct, Sinabihan siya ng mom nya na imbes na kumuha agad kami ng bahay, i convert nalang daw ung garage at guest room nila para dun na kami, p kelangan daw ng 300K at kelangan daw makapag produce agad nun para magawa na agad at dun na ko titira pagkapanganak ko. Magiging amin na rin naman daw un at pwede namin paupahan kung mag decide kami kumuha na ng bahay. Sabi ko kay partner masyado malaki at biglaan. Gagastos pa kami sa panganganak, tapos binyag, gusto niya pa magpakasal sa January, civil wedding, at isa pa, pano magiging amin un e wala naman kaming titulo, mahirap na ung puro salita lang, baka pagmulan pa ng away un. Uutang daw sya sa kuya nya ng 300k para sa renovation, ang kaso may utang pa sya sa kuya niya ng mahigit 100k nung pinang amerika nila. Ang gusto pa ng nanay niya magpakasal din kami sa August sa church, para daw makadalo ung mga kamag anak nila abroad. Sinabi ko ulit sa kanya na wag muna mag church wedding dahil wala kaming pera pra dun. Sya daw bahala. May magpapautang daw sa kanya pero sure ako na hindi ang magulang niya. Wag na daw ako mag alala, hindi ko daw kelangan gumastos. Ang sakin lang. mababaon kami sa utang sa ginagawa niya para lang mapagbigyan ung gusto ng nanay niya. Hindi naman kami matutulungan magbayad bayad ng utang. Isa pang gusto ng nanay niya, makihati kami dun sa lupa na nabili ng kuya niya sa antipolo, para samas sama daw kami sa isang compound. Saka eto pa, kung kukuha daw kami ng yaya ni baby, wag na daw, request daw ng mama niya na sya na lang daw bayaran namin buwan buwan sa pag aalaga. Hindi ko alam kung normal ba yun para sa iba, pero para sakin, bakt kelangan pang bayaran. Unang una, apo naman nila yun. Unang apo. Kung sa amin ko dadalin si baby, mga magulang ko pa gumastos para sa bata. Etong magulang niya, kahit isang lampin nga hindi nila mabili ung apo nila. Sa totoo lang maluho sila, lalo na nanay niya. Hindi ko kayang sabayan. Hindi ako mayaman. Hindi mayaman ang pamilya ko. Nakakalungkot lang kasi, nag aaway na kami dahil lang dito. Gusto ko ng tahimik na pamilya, ayoko ng may nagdidikta, gusto ko desisyon namin. Hindi magets ng partner ko ung side ko. Hindi nia magawang lumayo sa kanila. Kung ano nalang isuggest ng nanay nia, dpat masunod. Naaawa din naman ako sa partner ko kasi na pepressure sya ng nanay niya pero doble doble ung pressure sakin, imbes na nag rerelax lang ako ngayon at ma excite sa paglabas ni baby, etong sitwasyon namin iniisip ko.Parang nagdadalawang isip na tuloy ako magpakasal... T_T