Money money money

Pa- rant po dahil nabbwisit na ko sa partner ko. Kakakuha ko lang ng mat ben ko, eto ngayong bf ko naging kampante kasi may nakahanda na agad pera sa panganganak ko. Parang lahat ng gastos gusto niya dun kukuhain, gusto niya worth 20k ang ilalaan sa grocery sa kanila dahil dun namin balak mag stay muna kasi may mga aso sa amin, nainis sya nung sinabi ko sa kanya na hindi namin uubusin sa groceries un, tapos gusto pa ng nanay niya na siya nalang ang bayaran namin ng 5k a month instead na kumuha ng katulong para mag alaga kay baby pag balik ko sa work. Sakin ok lang naman na mag abot sa nanay niya paminsan minsan. Pero ung mag papabayad ka pa para alagaan ang unang apo mo, parang nakakatawa naman yun. Sila nga nag insist na dun kami tumira sa kanila pansamantala para makaipon pero feeling ko hindi mangyayari un. Sinabi ko sa bf ko na sana maghati kami sa hospital bills para di naman agad ubos tong nakuha ko, pero prang wala lang sya narinig, sa totoo lang lahat ng gamit ni babay ngayon skonst nanay ko nagpundar, kahit isang pirasong lampin hindi pa niya naibibili si baby, ung pangako niyang crib hanggang ngayon pangako pa rin manganganak na ko sa feb 1. Alam ko may pera sya. Pero tinitipid nia kami mag ina.

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try to talk kay boyfriend po. Dapat matagal na napagusapan nyo na paano ang gastos at kung san man kayo titira. Kung manganganak ka mas mainam pa rin na nasa mama mo ikaw. Mas maasikaso ka doon. Dun naman sa mama na lang niya ang bayaran ng 5k, dapat lang naman. Di mo po ba alam gano kahirap magalaga ng baby? Ipagkakatiwala mo po ba baby mo sa ibang tao kesa sa magulang niya? Alam mo ba na para kang itinali sa bahay pag nagaalaga ka ng baby. Kahit nanay ko pa magalaga babayaran ko pa rin siya kumbaga bonus na kang niya sa pagaalaga.

Magbasa pa
6y ago

Sabihin mo po yan sa sarili mo kapag may anak ka na tapos pinabantayan sayo yung apo mo. Ni matulog maligo umihi dmo magawa sa oras na gusto mo kasi kailangan mo siya bantayan kahit tulog siya. Ako di ko po matitiis na magalaga nanay ko ng magiging anak ko na wala man lang siyang matatanggap kahit na magkano galing samin ng asawa ko. Makakapagtrabaho ka po ba ng panatag na nasa ibang kamay anak mo? Andami ngayon nababalita kinikidnap anak, sinasaktan, tinatangay, iniiwan lang, ninanakawan lang. Kahit swelduhan mo ng 5k kulang na kulang yon sa pagaalaga ng anak mo po. Before ranting about everything here po talk to your boyfriend po. Let your family take care of you and your baby para wala ka pong gastos