Money money money

Pa- rant po dahil nabbwisit na ko sa partner ko. Kakakuha ko lang ng mat ben ko, eto ngayong bf ko naging kampante kasi may nakahanda na agad pera sa panganganak ko. Parang lahat ng gastos gusto niya dun kukuhain, gusto niya worth 20k ang ilalaan sa grocery sa kanila dahil dun namin balak mag stay muna kasi may mga aso sa amin, nainis sya nung sinabi ko sa kanya na hindi namin uubusin sa groceries un, tapos gusto pa ng nanay niya na siya nalang ang bayaran namin ng 5k a month instead na kumuha ng katulong para mag alaga kay baby pag balik ko sa work. Sakin ok lang naman na mag abot sa nanay niya paminsan minsan. Pero ung mag papabayad ka pa para alagaan ang unang apo mo, parang nakakatawa naman yun. Sila nga nag insist na dun kami tumira sa kanila pansamantala para makaipon pero feeling ko hindi mangyayari un. Sinabi ko sa bf ko na sana maghati kami sa hospital bills para di naman agad ubos tong nakuha ko, pero prang wala lang sya narinig, sa totoo lang lahat ng gamit ni babay ngayon skonst nanay ko nagpundar, kahit isang pirasong lampin hindi pa niya naibibili si baby, ung pangako niyang crib hanggang ngayon pangako pa rin manganganak na ko sa feb 1. Alam ko may pera sya. Pero tinitipid nia kami mag ina.

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka pumayag dun tumira sa kanila momsh .. baka binat abutin mo kakaisip! At napaka walang bayag ng asawa mo para iasa sayo lahat, pati yung biyenan mo na nagpapabayad! Jusko neng 1st apo pa yan .. wag mo stressin sarili mo at wag mo na asahan yang bf mong walang bayag! Sorry for the word pero sobrang kapal mukha nila! Ako bf ko halos wala akong gastos kahit piso dahil wala akong work at ayaw nya na magwork ako, wala din gastos mga biyenan at magulang ko! Dahil katuwiran nya sya may gawa neto kaya sya din gagawa paraan para mabuhay nya kame! Even di ko ganon kasundo/kaclose magulang nya dahil may sarili talaga akong mundo , hindi ako pinapabyaan mga biyenan ko lalo na sa pagkain! Lageng may sabaw ulam kahit reklamo na ibang kapatid hubby ko !

Magbasa pa