Kailangan yun mommy. Sa 1st trimester ng pagbubuntis kailangan mas mapangalagaan mo ang sarili mo para sa pinagbubuntis mo at kailangan mo ng Doctor na gagabay sayo. Sa 1st trimester kailangan ng mga lab tests mo para malaman ng Doctor kung anong kalusugan mo (kulang at sobra) kaya may irereseta na Vitamins para sayo na makakatulong sa growth ni baby sa tiyan mo. At Ultrasound para malaman ang kalagayan ni baby sa sinapupunan mo. Hindi ito nakakasama sa baby. Mas makakatulong pa ito malaman kung sakali mayroon komplikasyon sa pagbubuntis.
Magbasa pa