Early Pregnancy

Sino po dito ang may anxiety ngayong pagbubuntis ? Ano po ginagawa nyo? May 1st baby po ako okay naman nung nagbuntis ako hanggang nanganak kaso kinuha sya ni papa god dahil sa Viral Infection age of 4mos then last December 27,2024 positive ako sa PT & Serum Then nung nagpa chck up ako at request TVS (Not Ob Sono) Sabi Makapal lining ng matres ang nakita 5w2d sabi may sac pero sobrang liit at malabo kahit ako hndi ko makita sa ultra result until naghanap ng ibang ob sono dahil nag spotting(6w2d base lmp) Ngunit ang sabi wala daw po sign ng pregnancy maliban sa makapal ang lining and baka reglahin at hintayin nlng then kinabuksan after chck up lumakas po ang dugo delay ng ilang weeks at hindi na nagpachck up after duguin :( hindi ko alam kung false positive o talagang nabuntis ako and now super scared kasi positive uli tapos hindi nawawala anxiety ko sa nangayri nung 2nd pregnancy. Anyone po na may experience na ganto?? & If nagbuntis po kayo after kamusta po? Anxiety hits me ☹️ #pregnancyscare#earlypregnancy#earlypregnancyloss#infantloss

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Trauma and anxiety 🙋🏻‍♀️ Experience ko mhi, nakunana ako nung 8mos pregg ako, at sa 2nd pregnancy ko naman may sac daw pero walang bata. So nung nag positive ako nung april grabe talaga anxiety ko to the point na every ihi ko chinicheck ko kung may spotting ba as in nakaka praning. yung ginawa ko mhi? sinunod ko lahat ng bilin ng doctor, monthly ultrasound dun ako nagpapacheck sa OBSONO talagA para isahan na ang effort sa check up w/ ultrasound na medyo mahal pero atleast nabibigyan ako lagi ng peace of mind, at kada may maramdaman ako di ako nagdadalawang isip pumunta sa OB ko kahit di ko pa sched hehehe. Above all, nag dadasal talaga ako lagi mhi ini include ko lagi na safe pregnancy sana ako at sana ibigay Niya na ang baby sa amin. Sa awa naman ng Diyos, 7mos preggy na ako now at wala ng anxiety. 🙏 Kaya ikaw mhi, wag papadala sa negative thoughts kasi mafefeel yan ni baby at ayaw nating mastress din si baby ☺️ Lavaaan lang tayo mhi at magtiwala tayo sa Kanya 🙏👆🏻

Magbasa pa

nagka anxiety ren ako na trauma dahil paulit ulit ako nakukunan andon na yong 2months or 3months, tpos nong 2023 nabuntis ako sobrang saya ko pero yong pinagbubuntis ko umabot lang sa 34 weeks bigla nalang nag no heartbeat pinanganak ko sya nong May 2024 na wala ng buhay alaga ren ako ng OB every month nasa ob ako or minsan hindi umaabot ng 1month basta may kakaiba akong nararamdaman pumupunta ako sa **** inisip nalang namin na hindi talaga para sa amin yon. pagka October 2024 nalaman kong buntis ako ulit ng 2months pero sa kasamaang palad isang ectopic yong pinagbubuntis ko,agad ren ako inuperahan dahil ruptured na c baby dilikado na para sa akin pinutol ang right tube ko kung saan naroroon ang baby. and now buntis ako ulit 37weeks na lagi namin pini-pray na sana ibigay na ito sa amin lalo na sa age ko 30 plus na ako. andon paren yong trauma pero pinapa-dyos na namin lahat kung anu makakabuti sa amin sya na bahala.

Magbasa pa

me po nagka anxiety first tri, although hindi tayo same ng experienced po. ako naman po nakunan last March 2024. and nung nag decide kami mag preggy ngayon year, may worries po ako na baka maulit yung last year na hindi nagtuloy ang development at 6weeks 1day. pero nung nalagpasan ko na ang 1st trimester, may peace of mind na. paminsan minsan may worries parin po, pero ang iniisip ko nalang mommy, God's plan na po whatever happen. I let go and let God. I pray for you to have peace of mind too, mommy. all will be alright. 🙏🏻

Magbasa pa

una ko pong ultrasound pangangapal lang din ng lining. pero wala sinabi sa akin na baka reglahin ako. now po, 30 weeks preggy na po ako.

Same mii. Grabe yung anxiety and pagwoworry ko. Sabi din ng mga nasa paligid ko naging nega daw ako