33weeks and 5 days

Sino po dito nag open na agad ang cervix ng walang nararamdaman aside po sa pag papatingin at pag papaturok ng pampalakas ng lungs ni baby anu pa po ginagawa nyo na hold po ba si baby sa tyan ng ilang weeks? 4-5cm na po ako pero need pa po umabot ng 37 weeks to full term po sana. Any suggestion or advice mapapaclose or mapapastop ang pag open ng cervix thanks

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako nag open cervix ko ng 3cm at 27 weeks. Wala akong naramdaman na kahit ano. Nakita lang sa ultrasound. Diretso ER na ako at tinawagan nila OB ko. I was admitted and I was given dexa (pampamature ng lungs ni baby) at na cerclage rin ako. I was put on strict and complete bedrest pagka discharge ko. As in walang tayuan. Sa bedpan ako nag ccr, naka wheelchair kapag check-up, doon din ako naliligo sa pwesto kong higaan at uupo lang ako kapag kakain at iinom. Maliban sa mga prenatal vitamins, naka progesterone ako (2 soft gels 3x a day, intravaginal) and isoxsuprine (pampakalma ng matres) from 27 weeks until now. 37 weeks na ako ngayon at may schedule na rin ng CS. Sa last BPS ko, okay naman si LO sa loob at super active nya. Weekly rin ang check-up ko kasi minomonitor ako ng OB ko. From week 8 until now, naka bedrest ako at nag file ako ng leave of absence sa work since high risk ang pregnancy ko.

Magbasa pa

I am 35w 2d nung nag 1cm ako. Normal checkup lang sana un. Pero pinaadmit ako sa hospital for 4shots ng dexa.. polyhydramnios din kc ako. Then Oct 1, 2025, 35w 5d 3cm na ko.. sked for cs na rin.. paglabas ni baby sabi nila ok sya physically as well as vital sign. Kaso Oct2, nag aspirate pneumonia sya. D na naagapan. :-( Kaya naging angel na ung baby ko 😭 Nung nasa loob sya ng tyan ko pansin ko lagi siya sinisinok..

Magbasa pa

ako nman me at 32 weeks nag open siya..2-3cm suggest ng ob ko rest lng. tapos inject para sa lung maturation ni baby and pampakapit. at pampaslow or stop ng contraction and pampatreaten ng preterm labor... as of now nasa 33 weeks na.. hoping🙏🏻 umabot ng 37 weeks

mayron siya naging patient nag open cervix niya at 28 weeks ,pero napaabot nila ng due date niya

Related Articles